SIMULA ngayon araw, itinaas na ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang kanilang alert status sa “Blue Alert” bilang paghahanda sa “Traslacion” 2024 o ang taunang Pista ng Itim na Nazareno.
Ayon sa NDRCC, inaasahang dadalo ang nasa dalawang milyong mananampalatayang Katoliko sa prusisyon ng imahen ng Itim na Nazareno mula Quirino Grandstand hanggang Quiapo Church sa Maynila sa Martes, Enero 9.
Upang matiyak ang kaligtasan ng mga deboto, sinabi ni NDRCC Executive Director Ariel Nepomuceno na ang alert status ng NDRCC Operations Center ay itataas sa Blue Alert.
Ito ay tumutukoy sa stand by condition na kahandaan na nangangailangan ng hindi bababa sa 50 porsiyento ng tauhan at kanilang mga kagamitan, ayon pa sa opisyal.
EVELYN GARCIA