PINONDOHAN ng P231 million ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paghahati ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa Makati City at Que-zon City epektibo sa Hulyo 1, 2019.
Ang BIR Makati City Regional Office ay tatawaging Makati Region-A at Makati Region-B, habang ang BIR QC Regional Office ay tatawagin na-mang QC Region-A at QC Region-B sa bisa ng Executive Order na ipinalabas ng Chief Executive, alinsunod sa layunin ni Finance Secretary Carlos ‘Sonny’ Dominguez III na mapataas pa ang tax collections ng Kawanihan.
Dahil dito, magiging 23 na ang kabuuang bilang ng regional directors sa buong bansa mula sa kasalukuyang 21 lamang. Magtatalaga rin ng mga ba-gong hepe ng assessment office, collection office, legal office, regional investigation office at hahatiin ang bilang ng revenue personnel, gayundin ang kasalukuyang tax collection goal ng Makati-QC regions sa apat na parte.
Ang dahilan, ayon kay Secretary Dominguez, ay upang mas makapag-concentrate ang Kawanihan sa tax collections, lalo pa’t mas malaki ang nakaa-tang na tax collection goal sa BIR at maging sa Bureau of Customs (BOC) ngayong fiscal years 2019 hanggang sa mga huling taon ni Presidente Duterte.
Sina Lawyers Glen Geraldino at Jun Aguila ang kasalukuyang regional directors sa BIR Makati at BIR QC. Kung paiiralin ang ‘next in line’, sina kasalukuyang Makati Assistant Regional Director Dante Aninag at QC Assistant Regional Director Albin Galanza ang uupong acting BIR regional directors sa splitting ng Makati-QC regions.
Sa pondong P231-M na inilaan ng Pangulo sa splitting ng BIR Makati-QC, P200 milyon dito ay gagastusin sa itatayong BIR Makati Region-B, habang P31 milyon naman ang inilaan para sa rentals ng gagamiting building para sa BIR-QC Region-B.
Sa kasalukuyan ay abala na sa meetings ang mga opisyal ng BIR at BOC para pagsumikapan na makakolekta ng buwis upang matustusan ang mga proyekto ng pamahalaan.
Sa BOC, ipinagmalaki ni Commissioner Rey Leonardo Guerrero na buwan pa lamang ng Enero ng taong ito ay umarangkada na ang gumagandang koleksiyon nila sa import duties and other taxes at inaasahang makakamit ang tax collection goal na iniatang sa kanila.
Ayon kay Commissioner Guerrero, umaabot sa P48.15 bilyon ang kanilang nakolekta sa unang buwan ng taon, mas mataas ng 17.9 percent kumpara sa P40.83 bilyon sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
Sa BIR, nakasalalay naman sa kamay ng regional directors at revenue district officers ang tax collection performance na inaasahan ni Secretary Dominguez para makamit ang tax collection goal ngayong fiscal year 2019 hanggang taong 2022.
Para sa kasalukuyang taon, ang BIR ay umaasa na makakakolekta ng P2.309 trillion, mas mataas ng 13.24 percent kung ihahambing sa nakalipas na taon, habang sa BOC naman ay P662.2 bilyon o mas mataas ng 13.19 percent kumpara noong 2018. Sa taong 2020, ang BIR ay pinakokolekta ng P2.617 trillion, mas mataas ng 13.13 percent sa 2019, samantalang sa BOC ay P748.2 bilyon o mas mataas ng 12.99 percent kumpara sa kasalukuyang tax collection goal.
Para sa taong 2021, ang BIR ay pinakokolekta ng P2.942 trillion, mas mataas ng 12.42 percent sa 2020, habang ang BOC ay P826.2 bilyon o mas mas mataas ng 10.43 percent. Sa huling taon ng Pangulo sa Malacañang o sa 2022, ang BIR ay may tax collection goal na P3.312 trillion, nag-increase ulit ng halos 12.42 percent, samantalang ang BOC ay pinakokolekta ng P914.8 bilyon o mas mataas ng 10.17 percent sa 2021.
Sa kasalukuyan, tanging si BIR Manila Regional Director Marina De Guzman ang nagpamalas ng magandang performance matapos na makuha ang tax collection goal, habang sina BIR Makati Regional Director Geraldino, QC BIR Regional Director Aguila, Caloocan City BIR Regional Director Manuel Mapoy, gayundin sina San Fernando, Pampanga BIR Regional Director Ed Tolentino, San Pablo BIR Regional Director Jethro Sabariaga at Cavite BIR Regional Director Maridur Del Rosario ay patuloy sa kanilang pagsisikap na makuha ang kani-kanilang tax collection goals.
Para sa komento o opinyon, mag-text lamang po sa 09293652344/ 09266481092 o mag-email sa [email protected].
Comments are closed.