PAGHAWA NG BIRD FLU SA TAO ‘VERY RARE’

SOBRANG bihira ang transmission ng avian influenza sa tao.

Ito ang pahayag ni Infectious Disease Specialist Dr. Rontgene Solante matapos na maitala sa China ang first known human case ng h3n8 strain ng bird flu.

Aniya, ang mga nagtatrabaho sa mga poultry na may mga manok na may kaso ng avian virus ang puwedeng mahawaan.

Nagbabala naman ang eksperto na may  mga strain ng avian influenza na posibleng magdulot ng severe infection sa tao.

Samantala, nana­wagan si Solante sa mga poultry grower ng agarang lunas kung makaranas ang mga ito ng sintomas ng avian influenza  tulad ng lagnat, ubo at pananakit ng kalamnan. DWIZ 882