PAGHINTO NG PANINIGARILYO ANO ANG BENEPISYO NITO?

DOC ZACATE-ZACATERBANG PAYO.jpg

ANG paninigarilyo ng tobacco ay isa sa nakasanayan ng ating mga kababayan at maging sa buong mundo. Ayon sa datos na ginawa Philippine Statistics Authority, 17.3 Million na adult ang guma­gamit ng sigarilyo, 29.7 percent nito ay lalake, habang 8.6 percent naman ay babae. Nakikitaan din ng pagtaas ng mga kabataan na naninigaril­yo edad 13 to 15 years old, 16 percent sa age group nito ay lalake at 0.7 percent naman ay babae. Bukod sa direktang paninigaril­yo, ang paglanghap ng usok nito mula sa isang naninigarilyo ay mayroon ding epekto sa   ating katawan (Second-Hand Smoking)

Hindi na lingid sa kaalaman ng lahat ang masamang dulot ng pani­nigarilyo sa ating katawan bukod pa sa dagdag gastos nito sa pang araw araw. One Hundred Ten Thousand na Filipino ang nangamatay taon taon dahil sa masamang epekto na dulot ng paninigarilyo, 21.8 percent dito ay lalake at 9.7 percent naman ay babae. Ilan sa mga sakit na dulot ng palagiang paninigaril­yo ay ang Lung Cancer at marami pang uri ng Cancer, Chro­nic Obtructive Pulmonary Disease at Bronchial Asthma kung saan ang daluyan ng hangin ay naninikip. Ang sakit na Stroke ay tumataas ng 4 times dahil sa epekto ng sigarilyo sa clotting mechanism ng            ating katawan pati na rin sa pagpapataas nito ng     ating blood pressure. Dala­wa hanggang 4 times na pagkakaroon ng in-creased risk ng Sakit sa puso (Co­ronary Heart Disease). Ang paninigaril­yo ay maaari ring magpabawas ng Libido sa mga lalake at babae at nakakapagpabawas ng sperm count sa mga lalake. Ang panini­garilyo ay nagbibigay ng mataas na risk ng pagkakaroon ng Type 2 Diabetes. Sa mga buntis na babae, ang paninigaril­yo ay mayroong direct effect sa sanggol at maaa­ring magdulot ng Premature Delivery, Low Birth Weight, Sudden Infant Death Syndrome, Oro Facial Clefts at Ectopic Pregnancy.

Ang ating gobyerno ay agresibong nagkakampanya laban sa paniniga­rilyo dahil nga sa sobrang da­ming epekto nito sa kalusugan ng ating mga mamamayan, bukod pa dito ang lehislatibo ay nagbibigay ng karagdagang mga batas upang magpataw ng karagdagang buwis sa presyo ng Tobacco nang sa ganun mabawasan ang interest ng mga taong naniniga­rilyo. Sa aking pananaw, ang tao pa rin sa sarili niya ang magsasabi at gagawa ng paraan upang siya ay huminto sa panini­garilyo. Kaya naman tatalakayin ko ang mga nangyayari sa katawan ng tao kung siya ay nag-decide at nagtuloy-tuloy humintong mag-sigarilyo.

  1. Makalipas ng 20 minutes ng paghinto ng pagsigarilyo, ang tibok ng puso at blood pressure ay bumabalik sa normal at ang circulation ng dugo sa katawan ay nagno-norma­lized
  2. After 12 hours, ang katawan ay naglili­nis na ng mga harmful chemicals na dulot ng sigarilyo. Ang Carbon Monoxide na sangkap ng sigarilyo ay natatanggal at napupunta na sa normal levels sa katawan, pati na rin ang Oxygen levels ng katawan ay tumataas at nagnonorma­lized.
  3. Makalipas ang 1 hanggang 2 araw mula sa pagtigil sa sigarilyo, ang risk ng Heart Disease ay bumababa na, sa oras na ito nagno-normalize na rin ang blood pressure ng isang tao.
  4. Tatlong araw mula sa paghinto ng si­garilyo, ang nicotine le­vels sa katawan ay mababa na ng husto na nagdudulot ng Nicotine Withdrawal, ang huling nabanggit ay nagsasanhi sa isang tao ng madaling pagkairita, sakit ng ulo at matinding cra­vings para magsigarilyo. Ito ang stage na kritikal sa isang tao sapagkat maaari siyang bumalik sa paninigarilyo. Usually, ito ang panahon kung saan ang isang tao na humihintong magsigarilyo ay maaa­ring gumamit ng Nicotine Substitute na Inire­reseta ng isang doctor kung talagang grabe ang sintomas ng Nicotine With-drawal.
  5. Makalipas ang 9 na buwan ng paghinto ng sigarilyo, ang ating mga baga ay nag-heal na significantly, kaakibat nito ang muling pagbalik sa normal ang dami at functions ng ating mga cilia na tumutulong mag-alis ng mucus sa ating mga baga at lumalaban sa impeksyon.
  6. Makalipas ang 5 taon ng pagtigil manigarilyo, ang risk ng magkaron ng Coronary Artery Disease ay buma­ba na sa kalahati. Ito ay lalong bumababa at humahalintulad na lang sa isang non-smoker makalipas ang 15 years ng pagtigil sa paniniga­rilyo.

Kapag mayroong katanungan maaring mag email sa samuelzacate@gmail.com or mag like at mag comment sa fan page na Medicus Et Legem sa facebook link (https://www.facebook.com/Dr-Sam-Zacate-Medicus-et-Legem- 995570940634331/)    – Dr Samuel A Zacate

2 thoughts on “PAGHINTO NG PANINIGARILYO ANO ANG BENEPISYO NITO?”

  1. 42986 308783I identified your weblog internet site on google and check a couple of of your early posts. Proceed to preserve up the quite good operate. I just extra up your RSS feed to my MSN News Reader. Looking for ahead to reading extra from you later on! 117085

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *