PAGHULI SA PASAWAY NA VAPERS TUTUTUKAN NG NCRPO

Vapers

TAGUIG CITY – KABILANG na ngayon sa prayoridad ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang mahigpit na monitoring sa lalabag ng e-cigarette ban at pag-angkat ng vaping device.

Sinabi ni NCRPO Acting Regional Director, BGen. Debold Sinas na nagtakda sila ng official operationalization para sa nasabing kautusan ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte.

Tiniyak din ni Sinas na kanilang aarestuhin ang mga pasaway na vapers na maaktuhan sa pampublikong lugar.

“In the enforcement thereof, we are bound to ensure that all violators will be arrested and properly recorded in the blotter book,” ayon kay Sinas.

Kasunod nito, inanunsyo rin ni Sinas na nakahuli na sila ng 10 violators sa Sta. Cruz at Malate districts sa Manila gayundin sa Makati City.

May koordinasyon na rin ang NCRPO sa mga mall at vape store owners para sa pagpapatupad sa pagbabawal ng vaping sa public places.         PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM

Comments are closed.