(Ni CT SARIGUMBA)
MARAMING masusustansiyang pagkain ang maaari nating kahiligan. Ngunit madalas, mas pini-pili nating kahiligan ang mga pagkaing hindi naman mabuti sa katawan gaya ng matatamis, matataba at maaalat.
Kapag hindi nga naman tayo naging maingat sa ating katawan, maaari tayong dapuan ng iba’t ibang klase ng sakit. Halimbawa na lang kung mataba ka o overweight, maaari kang magkaroon ng type 2 diabetes o high blood sugar, high blood pressure, stroke, heart at kidney disease.
Para kahiligan ang pagkain ng masustansiyang pagkain at maging active, narito ang ilang tips na maaaring subukan:
PUMILI NG SWAK NA EHERSISYO
Mahirap ang mag-ehersisyo lalo na kung mag-isa ka lang. Sa simula ay gaganahan ka pa pero sa bawat pagdaan ng araw, sasa-lakayin ka ng katamaran hanggang sa aayaw ka nang mag-ehersisyo.
Ang teknik upang hindi mo katamaran ang pag-eehersisyo ay ang pagpili ng swak sa iyong pangangailangan.
Maraming simpleng exercise ang puwede nating subukan. Halimbawa na lang ang jogging o swimming. Puwede ka ring mag-lakad-lakad kasama ang pamilya at kaibigan. Mas masaya rin kasing mag-ehersisyo kung may kasama.
MAKINIG NG MUSIKA HABANG NAG-EEHERSISYO
Makatutulong din siyempre para maibsan ang bagot at ganahang mag-exercise kung makikinig ng musika habang ginagawa ang nasabing gawain.
Pumili rin ng musika o tugtog na magbibigay sa iyo ng enerhiya at kanaisang gawin ang pag-eehersisyo.
HUWAG SISIHIN ANG PAGKAIN AT BAGUHIN ANG EATING HABITS
Marami sa atin ang sinisisi ang pagkain kapag tumaba o nagkasakit. Sa totoo lang, madali naman talagang isisi sa kinakain natin sa dami ng kinukonsumo natin ang pagdagdag ng ating timbang.
Ngunit, hindi lamang ang pagkaing nakatatakam at ‘di mahindian ang dapat nating sisihin kundi ang ating sarili dahil sa kawa-lan ng control.
At para maiwasan naman ang pagkain ng marami, nguyaing mabuti ang pagkain.
Baguhin din ang eating habits upang masiguro namang masustansiya ang kinakain, bumili ng mga fresh fruits at vegetables. Iwasan na rin ang pagbili at pag-iimbak sa bahay ng mga pagkaing masama sa katawan.
IWASAN ANG KATAMARAN AT KONTROLIN ANG SARILI
Higit din sa lahat, iwasan ang katamaran at kontrolin ang sarili sa pagkain. Mag-isip din ng iba’t ibang putahe na healthy. Hu-wag ding magpapaengganyo sa mga fast food chain. Oo nga’t ito ang pinakamadaling paraan upang makakain tayo kaagad nang hindi nagluluto. Ngunit kung madalas na kumakain tayo sa labas, hindi rin ito mainam sa kalusugan kaya’t tama lang na iwasan.
Kaya’t imbes na umorder, mainam ang magluto sa bahay. Makatitipid ka rin at masisiguro mong healthy at masarap ang iyong ihahanda sa sarili at pamilya kung ikaw na mismo ang maghahanda.
Marami na rin naman ngayong recipe na abot-kaya sa bulsa at madaling lutuin pero swak na swak naman sa panlasa ng kahit na sino.
Sa pamamagitan ng pag-improve ng iyong kalusugan, mas magiging masaya ka at magagawa mo ang kailangan mong gawin. Magagawa mo ring i-manage ang stress nang maayos. Higit sa lahat, mas magkakaroon ka ng energy sa trabaho, lalong-lalo na sa iyong pamilya.
Sabi nga ng marami, kung nais mong maging masaya, maging aktibo at kumain ng masustansiyang pagkain. Oo, sabihin na nating mahirap pigilan ang kumain ng mga hindi mabuti sa katawan.
Aminin na rin natin ang katotohanang masarap kumain ng bawal. Gayunpaman, maging maingat tayo. Isipin natin ang ating sarili. Dahil kapag malusog tayo, masisiguro rin nating okey ang ating pamilya. (photo credits: nutrition.org.uk, healthhub.sg, abovewhispers.com)
Comments are closed.