PAGIGING ANTUKIN AT LAGING PAGOD

ANTUKIN

ISA sa inirereklamo ng ilan lalo na kapag nasa opisina sila ay ang pagiging antukin at pagod na pakiramdam. May ilan nga namang kahit na kapapasok o karara­ting lang sa office ay naghihikab na kaagad. Walang energy. Tinatamad mag-isip. Tinatamad gumalaw.

Pero hindi naman puwedeng tumunganga lang tayo kapag nasa opisina lalo pa’t kaliwa’t kanan ang mga kailangan nating tapusing trabaho. Hindi naman sapat na tititigan lang natin nang buong araw ang computer screen dahil wala tayong matatapos na trabaho.

Sa katunayan, hindi naman mabilang-bilang ang mga dahilan kung bakit nakadarama ng antok at pagod ang isang tao. At ilan nga sa mga dahilang iyan ay ang sumusunod:

KAKULANGAN SA TULOG

PAGODIsa nga naman sa pangkaraniwang dahilan ng pagiging pagod na pakiramdam ay kakulangan sa pahinga. Hindi rin naman maiwasan ng ilan sa atin na kapusin o kulangin sa tulog dahil na rin sa kaliwa’t kanang obligasyon.

Pero para pa rin maiwasan ang pagiging antukin at pagod na pakiramdm, makabubuti ang pagtulog ng maayos. Hangga’t maaari, iwasan ang pagpupuyat.

Sabihin mang nasa opisina ka nga pero kulang ka naman sa pahinga, hindi mo rin magagawa ang best mo.

Kaya hangga’t maaari ay huwag sasagarin ang sarili. Magpahinga ng tama.

DEPRESSION

ANTUKIN-2Hindi maiiwasan ang depresiyon. Bigla-bigla rin kasi iyan kung sumalakay. Minsan, bahagya o hindi gaanong matindi ang nadaramang kalungkutan. Ngunit may ilan na, matinding depresiyon ang tumatama at hindi mawari kung paano ito haharapin o malalampasan.

Kaya kung grabe na ang depresiyon, hindi na ito puwedeng ipagpaliban at kailangan nang humingi ng tulong.

Konektado rin ang de­presiyon sa pagiging pagod at antukin. Pinaniniwalaang isa ito sa dahilan kung kaya’t antukin at laging pagod ang pakiramdam ng isang tao. Ang dahilan nito ay ang pagkakaroon ng abnormalities sa mood-regulating chemicals na neurotransmitters sa utak.

Ang mga tao ring may depresiyon ay nahihirapang makatulog at nagkakaproblema sa energy level.

DIABETES

Isa rin ang pagkakaroon ng diabetes sa maaaring ma­ging sanhi ng kapaguran. Ang diabetes ay isang kondisyon kung saan ang katawan ay hindi nakapagpo-produce ng sapat na insulin.

Ang insulin ang tumutulong sa glucose upang makarating sa cells ng katawan para magamit naman sa energy production.

ANEMIA

Nagiging sanhi rin ng fatigue, dizziness at shortness of breath ang anemia. Kapag mayroon ka nito, mas mababa sa normal ang red blood cells o walang sapat na hemoglobin.

Kung kakaunti lang ang hemoglobin o mababa ang red blood cells, nagiging dahilan ito ng pagiging pagod na pakiramdam o pagiging mahina.

TIPS PARA MAIWASAN ANG PAGIGING ANTUKIN

Ilan lamang ang mga nabanggit sa itaas na nagiging dahilan ng pagiging pagod at antukin ng isang indibiduwal. At para naman maiwasan ito, narito ang ilan sa simpleng tips:

DAILY ROUTINE

ANTUKIN-3Isa sa nagiging dahilan o nakaaapekto sa sleep patterns ang daily routine. Bago matulog o ilang oras bago humiga, iwasan na ang pag-inom ng mga caffeinated drink.

Iwasan din ang pagtulog ng sobra dahil maaari rin itong maging dahilan ng pagiging antukin at pagod na pakiramdam.

May ilan sa atin na natutulog ng sobra sa pag-aakalang makatutulong ito upang maibsan ang pagod na nadarama.

Ngunit hindi ito nakatutulong dahil mas napalalala pa nito ang pagod na pakiramdam.

Kaya kung isa ka sa taong natutulog ng sobra o nag-o-oversleeping,  iwasan ito nang maiwasan din ang pagiging pagod na pakiramdam.

MAG-EHERSISYO ARAW-ARAW

Isa pang paraan para gumanda ang pakiramdam at maiwasan ang pagiging antukin at pagod na pakiramdam ang pag-eehersisyo araw-araw.

Maraming benepisyo ang pag-eehersisyo at isa na nga riyan ay ang pagpapanatiling malusog at malakas ang katawan.

Sabihin mang walang panahong mag-ehersisyo, gumawa pa rin ng paraan.

Ang simpleng paglalakad ay malaki na ang maitutulong upang lumakas ang panga­ngatawan. Maaari rin namang mag-yoga o kaya mag-swimming.

KUMAIN NG MASUSUSTANSIYANG PAGKAIN

Importante rin siyempre ang pagkain ng mga masusustansiyang pagkain para maging malusog at malakas ang katawan.

Hindi sapat ang pagtulog at pag-eehersisyo. Dapat ay samahan ito ng pagkain ng masusustansiyang pagkain nang makuha ang benepisyong iyong pinakaaasam-asam.

May mga panahon talagang antukin tayo at pagod ang pakiramdam. Pero kung paulit-ulit o madalas nang nangyayari, makabubuting komunsulta sa espesyalista nang mabigyan ng tamang payo.

Mabuti na nga naman iyong nag-iingat kaysa sa magsisi sa huli.  CS SALUD

Comments are closed.