PAGIGING MAULAN NA MAY THUNDERSTORM INAASAHAN HANGGANG LINGGO

NAGING maulan at may thunderstorm ang Metro Manila at ibang bahagi ng Luzon at asahan na magpapatuloy ito hanggang sa Linggo dahil sa hanging habagat, ayon sa weather bureau.

Bandang 1:58 ng hapon nag- isyu ng thunderstorm advisory o pulo pulong pag ulan, pagkulog at pagkidlat ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) sa iba ibang bahagi ng bansa partikular na sa Metro Manila, at mga lalawigan ng Nueva Ecija, Pampanga, at Bataan.

“Moderate to heavy rain showers with lightning and strong winds are expected over Nueva Ecija, Pampanga, Bataan and Metro Manila within the next 2 hours,” ayon sa Pagasa.

Una rito, opisyal na idineklara na ng PAGASA na nagsimula na ang rainy season noong May 29.

Sa 4 a.m. bulletin ng PAGASA, sinabi ng weather specialist nitong si Aldczar Aurelio, na ang southwest monsoon o habagat ay magdadala ng maulap na kalangitan at kalat kalat na pag ulan at thunderstorm.

Sa forecast ng PAGASA, ang pag- ulan ay inasahan din sa Ilocos Region, Cordillera, Zambales,Tarlac, Bulacan,CALABARZON at MIMAROPA.

Samantala, ang ilang bahagi ng Luzon ay bahagyang maulap,at may tsansa ng mga isolated na mga pag- ulan.Magiging maulap din at may tsansa ng mga biglang buhos ng ulan dahil sa thunderstorm kahit sa ibang bahagi ng Visayas at Mindanao.
Ma.Luisa Macabuhay-Garcia