PAGIGING NEGA NI JOMA DEDMA SA DND

Secretary Delfin Lorenzana-2

CAMP AGUINALDO – AYAW nang patulan ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang panibagong banat ni Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) Founding Chairman Jose Maria Sison kaugnay sa isinusulong na Bangsamoro  Organic Law (BOL).

Sinabi  ni Sison sa kaniyang social media post na magreresulta lamang ng mas malaking armadong pakikibaka ang pagraratipika sa BOL.

Ayon kay Lorenzana,  hindi na kailangan pang bigyang halaga ang sinasabi ng isang tao na tatlong dekada nang wala sa bansa dahil hindi na nito alam kung ano ang mga tunay na nangyayari sa bansa.

Samantala kumpiyansa naman ang Defense Department at ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na magiging payapa ang plebisito sa ka-buuan, sa kabila na may naitalang mga flying voters at vote buying sa mga lugar na idinaos ang plebisito. REA SARMIENTO

 

 

Comments are closed.