ILOILO CITY – HINDI pa umano umaabot sa 50 porsiyento ang natataniman ng palay sa rice lands sa Western Visayas, ayon sa Department of Agriculture Regional Field Office 6 (DA-RFU 6).
“The implication would be that since late planting, the dry season production will have a spillover in 2020,” sabi ni DA Regional Executive Director for Western Visayas Remelyn Recoter sa isang panayam.
Ngayong taon, target ng Western Visayas na maka-produce ng tinatayang 2.2 million metriko tonelada.
“We contribute about 12 percent to the national output,” sabi ni Recoter.
Sinabi niya na 60 porsiyento ng rice land area ng rehiyon ay nakadepende sa ulan at 40 porsiyento ay sa irigasyon.
Pero, para roon sa mga nasa dulo ng irrigated area ay bihira namang nararating ng irigasyon.
“The physical area of the Western Visayas is 320,000 hectares. During wet season, only about 90 percent or 290,000 hectares are planted,” sabi niya.
Dahil sa pagkaantala ng pagdating ng tag-ulan, hindi pa umaabot sa kalahati ng 90 porsiyento ang natataniman, ayon pa sa kanya.
“We are hoping that in few years, we can reverse the ratio or even less with the Jalaur River Multipurpose Project and Panay River Basin Project,” sabi pa niya.
Sinabi pa ni Recoter na nagkaroon ng pagkaantala sa preparasyon ng lupa ng isa at kalahating buwan. Kalimitan aniya na ang preparasyon ng lupang pagtataniman ay nagsisimula sa ikalawang linggo ng Mayo.
Dagdag pa niya na ilan sa kanilang pakikialam, tulad ng binhi na nakatalaga para sa dry season, ay maibibigay ng maaga para sa wet season kung ang kanilang supplier ay makapagde-deliver agad. PNA
Comments are closed.