PAGKAIN AT BASIC NEEDS IBIBIGAY NG GOBYERNO

Presidential spokesman Salvador Panelo4

KASUNOD ng pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine sa buong Luzon upang hindi na kumalat pa ang Coronavirus Disease (COVID-19), sinabi ni Presidential Spokesperson Atty. Salvador Panelo na hindi dapat mangamba ang publiko dahil mayroong pagkaing ibibigay ang gobyerno.

Paliwanag nito, ang LGUs ang  bahala na mamigay ng pagkain at essential needs sa bawat kabahayan.

Tiniyak din nitong mayroong sapat na suplay ng pagkain.

Maliban dito, lahat ng indibiduwal sa buong Luzon ay sasailalim sa strict home quarantine, ibig sabihin bawal lumabas at wala ring transportasyon. Tanging frontline health workers at authorized government officials ang papayagang lumabas.

Una nang hiningi ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kooperasyon ng bawat isa at sinabing prayoridad nito ang kaligtasan at kapakanan ng bawat Filipino.

PASSPORT PROCESSING SA BUONG LUZON SINUSPINDI

SINUSPINDI  ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pag-proseso ng pasaporte buong araw ng  Marso 17 sa buong Luzon.

Ito’y bilang pagsunod sa kautusan ng gobyerno na Enhanced Community Quarantine sa buong Luzon.

Inabisuhan ng DFA ang publiko na tigil muna ang operasyon ng Office of Consular Affairs sa Parañaque City at mga Consular Offices sa buong Luzon.

Ang  passport applicants naman na may confirmed appointments ay maaaring ma-accomodate kapag bumalik na sa normal ang operasyon gayundin ang Authentication at Civil Registration Services.

Abangan o hintayin na lamang ang abiso ng DFA.

Comments are closed.