SA tulong ng Carmelite Sisters of the Holy Trinity sa Ligao, Albay, nahatiran agad ng ACT-CIS Partylist ng pagkain ang isang libo katao na biktima ng bagyong Rolly sa mga bayan ng Guinobatan, Oas, at Tiwi.
“Katuwang ang mga madre sa Ligao, nahatiran agad ng pagkain yung mga tao immediately after dumaan si Rolly”, ayon kay ACT-CIS Cong. Eric Yap.
Dagdag pa ng mambabatas, “nabigyan din ng 200 timba na may laman na bigas at mga delata ang mga pamilya sa iba lang bayan na winasak ang mga bahay ng bagyong Rolly.
Bukod sa Bicol, nagpahatid din ng tulong si Cong. Yap sa Silang, Cavite bago tumama ang bagyong Rolly sa pamamagitan naman ng Emmanuel Servants of the Holy Trinity Congregation para sa mga nawalan ng trabaho dulot ng COVID.
May 100 pamilya sa depressed areas ang nabiyayaan ng tig-5 kilos na bigas, isang buong manok at mga gulay.
“Bagamat abala po tayo sa Kongreso, pero hindi po natin makakalimutan ang mga tao na nagbitbit sa atin sa kongreso lalo na ngayong sila naman ang nangangailagan ng tulong,” hirit pa ni Yap. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM
Comments are closed.