PAGKAING DAPAT IWASAN KUNG MAY JOINT PAIN

JOINT PAIN

MAY MGA kondisyon na lalong lumalala kapag kumakain tayo ng mga pagkaing bawal sa ganitong sakit o dinaramdam. Halimbawa na lang ang arthritis o joint pain, kung nakararanas ka nito, may mga pagkain kang dapat kahiligan at kailangan ding iwasan.

Apektado nga naman ang paggalaw ng isang tao lalo na kung may nararamdaman siyang sakit sa kahit na anong parte ng katawan. Nalilimitahan din ng nadarama niyang sakit ang kanyang mga ginagawa o pagkilos.

Kaya nga’t mahirap talagang may dinaramdam lalo na sa panahon ngayon na tumataas ang mga bilihin. Ika nga, bawal magkasakit.

Isa ang joint pain sa nararanasan ng marami. Wala rin itong pinipiling edad. Marami ang dahilan ng pagkakaroon ng joint pain. Halimbawa na lang ang Osteoarthritis na isa most common joint condition ayon sa health.com. Ikalawa namang dahilan ng joint pain ang Psoriatic arthritis. Naaapektuhan naman nito ang daliri, toe joints na malapit sa mga kuko, gayundin ang wrists, lower back, kness at ankles.

Ilan pa sa nagiging sanhi ng joint pain ang Rheumatoid arthritis, lupus at gout.

Sa mga nakararanas ng ganitong problema o kondiyson, ilan sa mga pagkaing kailangan ninyong iwasan ay ang mga sumusunod:

FRIED AT PROCESSED FOOD

FRIED AT PROCESSED FOODKung mayroon mang hilig ang marami sa atin, iyan ang fried at processed food. Kapag nagkatamaran nga namang magluto, prito at mga processed food ang agad na naiisip nating ihanda sa pamilya.

Ngunit ayon sa 2009 study ng Mount Sinai School of Medicine, nakitang nakababawas ng inflammation o pamamaga ang pag-iwas sa pagkain ng fried at processed food. Kaya para hindi lumala ang joint pain, iwasan hangga’t maaari ang mga fried at processed food.

MAAALAT NA PAGKAIN

Isa pa sa kailangang iwasan ng mga taong may joint pain ay ang mga maaalat na pagkain at maraming preservatives. Sa ilan kasi, ang maaalat na pagkain ay nagiging sanhi ng inflammation sa joint.

DAIRY PRODUCTS

DAIRY PRODUCTSMay klase ng protein ang dairy products na nakapagpapalala ng arthritis pain. Sa ilan, ang protein na ito ay nakapagpapa-irritate ng tissue sa palibot na joints kaya lalo itong sumasakit at kung minsan pa ay namamaga. Kaya naman, bago kainin ang isang pagkain, i-check na muna ang mga ito.

RED MEAT

Isa pa sa hindi mahindian ng marami ang red meat. Nagtatag­lay ito ng arachidonic acid na nakapag-exacerbate ng sakit at pamamaga. Kaya isa rin ito sa dapat iwasan kahit na gustong-gusto ng marami.

SUGARY DRINKS AT KAPE

Kung may dalawa mang inumin na kinahihiligan ng kahit na sino, iyan ang sugary o matatamis na inumin at kape.

coffeeSino nga naman ang makahihindi sa softdrinks lalo na kung sobrang init ng panahon. Pampatighaw nga naman ito ng uhaw. At ang kape naman, sa umaga pa lang ay iniinom na natin ito pagkagising. Sa merienda ay hindi rin ito puwedeng mawala. Sa gitna naman ng pagtatrabaho lalo na kung alas-tres na ng hapon at kaysarap pumikit, sa kape rin tayo nanghihiram ng lakas. Kaya naman, napakahirap nga namang iwasan ang pag-inom ng kape.

Ngunit ang kape at maging ang matatamis na inumin gaya ng softdrinks ay isang dahilan ng paglala ng joint pain. Kaya kung ayaw mong mamilipit sa sakit, mapipilitan ka talagang iwasan ang mga ito.

Mahirap mang pigilin ang sarili, kailangang  matuto pa rin tayong ma­ging maingat lalong-lalo na sa ating mga kinakain. Kumbaga, para sa atin din naman iyon. Kung hindi naman agad-agad maiiwasan, puwede rin namang unti-untiin. CHE SARIGUMBA