KAPAG bumibiyahe, kung anong pagkain ang nasa ating harapan, nilalantakan natin nang hindi isinasaalang-alang kung makabubuti ba ito o hindi sa atin.
Oo nga’t anuman ang pagkaing maibigan natin, may karapatan tayong kainin. Nasa sa atin nga naman ang desisyon kung kakainin ba natin o hindi ang isang pagkain. Kahit naman kasi pagbawalan tayo, kung talagang gusto natin ay walang makapipigil.
Sa totoo lang, may mga pagkaing masarap nga ngunit nakapagdudulot naman ng discomfort sa atin lalo na kung nasa biyahe tayo o nakasakay sa eroplano.
Kaya’t upang maging matiwasay ang pagbiyahe o ang pagsakay sa eroplano, narito ang ilang pagkaing kailangang iwasan na muna:
RAW FRUITS AND VEGETABLES
Kung may kinahihiligan man ang marami sa atin, iyan ay ang fruits at vegetables dahil healthy nga naman ito.
Napakadali lang ding kainin at available pa kahit saan. Isa rin ito sa sini-serve o inio-offer sa eroplano ng mga flight attendant. Mas madali rin itong kainin. Higit sa lahat, sa pagpili ng fruits at vegetables, iniisip kaagad nating tama ang ginawa nating desisyon.
Gayunpaman, bago ka magdesisyon ay pag-isipan mo muna itong mabuti. Tandaan nating ang raw fruits at vegetables ay hindi naiinit o niluluto ba-go ihanda.
Kung hindi maayos at malinis ang pagkakahanda, halimbawa na lang ng salad na naglalaman ng raw fruits at vegetables, maaaring maging dahilan ng kontaminasyon o problema.
Kaya para maiwasan ang kahit na anong problema habang nasa biyahe o lulan ng eroplano, iwasan ang pagkain ng raw fruits at vegetables.
GARLIC AT SALAMI
Kapag nag-research ka ng mga worst food na dapat iwasang kainin kapag nakasakay sa eroplano, laging kasama sa listahan ang garlic at salami.
Kunsabagay, isa nga naman sa iniiwasan nating kainin lalo na kapag nasa labas ay ang garlic dahil sa nag-iiwan ito ng amoy sa ating bibig, gayundin sa hininga.
Tumatagal nga naman kung minsan ng 24 na oras ang amoy ng garlic. Kaya kung ayaw mong mag-amoy bawang ang hininga at ang pawis, isa ang mga pagkaing may sangkap na garlic ang dapat na iwasan kapag bibiyahe o nakasakay sa eroplano.
Bukod din sa mga pagkaing naglalaman o may sangkap na maraming garlic, isa pa sa dapat iwasan ay ang salami sandwiches. High-histamine food ang salami. Maaari itong maka-aggravate sa nasal allergies o sinusitis.
Kaya kung isa ka sa taong sensitive sa histamine, iwasan na muna ang mga pagkaing may sangkap na salami para maging matiwasay ang iyong pag-biyahe.
CARBONATED BEVERAGE, COFFEE AT ALCOHOL
May mga inuming hindi natin magawang ihiwalay sa ating sistema. Mga inuming saan man tayo magtungo, kinahihiligan natin. At ang mga inuming iyan ay ang carbonated drinks, coffee at alcohol.
Sabihin mang ang kape at carbonated drinks ay karamay na natin sa pang-araw-araw nating buhay, kailangan pa rin itong iwasan lalo na kung nak-asakay sa eroplano o bumibiyahe.
Nagiging dahilan ng gas at heartburn ang carbonated drinks. Samantalang may mild diuretic effect naman ang kape.
Ibig sabihin, kung iinom ng kape ay hindi maiiwasang maihi nang maihi.
Kaya’t kung ikaw ang tipong ayaw na ayaw ang tumayo para magpabalik-balik sa restroom, iwasan ang pag-inom ng kape habang nasa eroplano at bumibiyahe.
Sa eroplano ay dehydrated na ang ating katawan dahil dry ang hangin sa cabin. At kung iinom pa tayo ng kape, mas lalo lang made-dehydrate.
Gayundin ang epekto ng alcohol, nakapagpapa-dehydrate ito ng katawan. Kaya para mapanatiling hydrated ang katawan sa biyahe, mas piliin ang pag-inom ng tubig.
Saan man tayo naroroon, isipin natin ang ating kaligtasan. At maging ang pagiging komportable.
Comments are closed.