(Ni CT SARIGUMBA)
HINDI maiwasan ang tamarin tayo at mawalan ng energy. Sa rami nga naman ng iniisip at ginagawa natin, talagang mauubusan tayo ng lakas.
Ngunit hindi natin puwedeng hayaang lalambot-lambot tayo’t tinatamad-tamad dahil maaaring maapektuhan nito ang pang-araw-araw nating gawain—sa opisina man o tahanan.
Kaya para maiwasan ang katamaran at maging active at energetic, narito ang ilang pagkaing dapat na kahiligan:
PRUTAS
Unang-una sa ating listahan ang prutas. Hindi nga naman puwedeng ayawan natin ang prutas sapagkat napakarami nitong ka-gandahang naidudulot sa katawan.
At dahil nangunguna sa ating listahan ang prutas, ang tanong diyan ay ano-ano nga bang prutas ang nararapat na kainin para maging active at energetic?
Oo, hindi mabilang ang mga prutas na dapat nating pagpilian. Sa rami nga naman ng mabibili sa pamilihan, nariyang malilito tayo kung ano ang bibilhin natin.
Ilan sa mga dapat nating kahiligan para maging active at energetic ay ang saging, apple, orange at strawberries.
Kabilang sa best food for energy ang saging dahil mayaman ito sa carbohydrates, potassium at vitamin B6 na tumutulong upang mag-boost ang ating energy level.
Nagtataglay rin ng tysorine ang banana o saging na isang amino acid na tumutulong upang makapag-produce ng norepinephrine. Ang norepinephrine naman ang nakapagpapa-improve ng alertness level.
Samantalang ang apple naman o mansanas ay naglalaman ng carbs at fiber. Dahil din sa taglay nitong natural sugar at fiber kaya nagkakaroon o nakapagpapalabas ng enerhiya sa katawan. Mataas din ang taglay nitong antioxidants kaya swak itong kahiligan.
Orange naman ang isa pa sa prutas na kailangang kahiligan upang mapanatiling energetic at active ang katawan.
Mayaman sa na vitamin C ang orange na kailangang-kailangan ng katawan. Bukod pa roon ay naglalaman din ito ng antioxi-dants compound na nakatutulong upang maiwasan o maprotektahan ang katawan laban sa oxidative stress. Nagiging sanhi ng fa-tigue o feeling pagod ang oxidative stress kaya’t para maiwasan ito, isama na sa diyeta ang orange.
Panghuli sa prutas na dapat nakahiligan ang strawberries. Kabilang din sa good energy-boosting fruit ang strawberries. Naglal-aman ito ng carbs, fibers at sugar na nakapagpapa-enhance ng energy levels. Nakatutulong din ang nasabing prutas upang maiwasan ang inflammation o pamamaga. Samantalang ang taglay naman nitong antioxidants ay tumutulong upang malabanan ang fatigue.
ITLOG AT WHOLE GRAIN BREAD
Bukod din naman sa mga prutas na nabanggit, mainam din ang itlog na kahiligan para maging active at energetic ang isang tao.
Marami sa atin ang walang gaanong panahong magluto lalo na sa agahan. Kaya’t para may maihanda sa pamilya, kung ano ang madaling lutuin ay iyon ang ating niluluto.
Bukod sa napakadaling lutuin ng itlog, nakapagbibigay rin ito ng energy sa isang indibiduwal dahil sa taglay nitong vitamins, minerals at proteins.
At dahil hindi rin naman nawawala ang tinapay sa agahan, swak na swak din itong ipares sa itlog. Sa pagpili naman ng tinapay, isa naman sa magandang option ay ang whole grain bread dahil sa mayaman ito sa fiber. Vitamin E at B complex na nagpapanatili ng ating energy na nagiging dahilan naman para maging active tayo’t maiwasan ang katamaran.
COFFEE AT DARK CHOCOLATE
Kung mayroon nga naman tayong alam na nakapagbibigay ng lakas, iyan ang coffee at dark chocolate.
Dahil nga naman sa mayaman sa caffeine ang kape kaya’t isa ito sa laging nasa isip ng marami kung nagnanais na maging active at energetic.
Samantalang ang dark chocolate naman ay mataas ang cocoa content na marami ring taglay na health benefits gaya na lang ng pag-increase ng blood flow sa katawan. Tumutulong naman ito upang ma-deliver sa brain at muscles ang oxygen para sa mas ma-gandang function.
Nagtataglay rin ito ng theobromine at caffeine na nagpapa-enhance ng mental energy at mood.
Sa totoo lang, napakaraming pagkain ang puwede nating isama sa ating diyeta upang magkaroon tayo ng energy at mapanatiling active ang katawan. Ilan lamang ang ibinahagi namin sa inyo.
Comments are closed.