PAGKAING NAKATUTULONG UPANG MAPABABA ANG BLOOD PRESSURE

BLOOD PRESSURE

(ni CT SARIGUMBA)

HINDI nga naman mabilang ang mga Filipinong mataas ang blood pressure. Kadalasan, ang pagtaas ng blood pressure ay dahil sa kawalan ng disiplina sa pagkain. Mahihilig pa man din tayong mga Filipino sa pagkain ng matatamis, maaalat, matataba at mamantika.

Dala na nga rin sa kahiligan natin sa pagkain at pagtuklas ng iba’t ibang lutuin, hindi talaga maiiwasang mapakain tayo ng sobra. Ayaw na ayaw rin natin ang walang lasang pagkain kaya’t laging masarap o malasa ang hinahanap-hanap ng ating panlasa. Para sa ilan, bakit nga naman kakain kung hindi lang din masarap.

Pero ang pagkain ng sobra at masyadong maaalat at mamantika ay nagiging dahilan ng altapresyon o ang pagkakaroon ng high blood pressure. Ka-pag sinabing high blood pressure, ang ibig sabihin nito ay mataas na pressure sa ugat ng katawan partikular na sa arteries. Ang trabaho o ginagawa ng arteries ay ang pagdadala ng dugo patungo sa iba’t ibang bahagi ng katawan matapos na mai-pump ng puso. At kapag mataas ang blood pressure, ibig sabihin ay mahihirapang mag-pump ang puso.

Kaya naman, para mapababa ang blood pressure, narito ang ilan sa pagkaing kailangang isama sa diyeta ng bawat isa sa atin:

MADADAHON AT BERDENG GULAY

MADADAHON AT BERDENG GULAYMay ilan na mahilig sa gulay, samantalang ang iba naman ay kinaaayawan ito. Pero napakahalaga ng pagkahilig sa gulay lalo na iyong mga gulay na madadahon at kulay berde nang mapanatili nating healthy o malusog ang pangangatawan.

Ang mga berde at madadahong gulay rin gaya ng lettuce, arugula, spinach at kale ay nakatutulong upang mapababa ang ating blood pressure. Kaya’t kung mataas sa karaniwan ang iyong blood pressure, isama na sa diyeta ang mga mabeberde at madadahong gulay.

OATMEAL AT SAGING

Sabihin na nating hindi lahat ng mga Filipino ay kumakain ng oatmeal. Ibang-iba nga naman ang panlasa ng marami sa atin. Gayunpaman, kasama sa mga pagkaing nakatutulong upang mapababa ang blood pressure ang oatmeal kaya’t kailangan natin itong kahiligan.

Mataas sa fiber, low fat at mababa ang taglay na sodium ng oatmeal kaya’t nakabababa ito ng blood pressure.

Hindi rin naman kailangang buong araw kang kakain ng oatmeal. Ang pagkain ng oatmeal isang beses sa isang araw ay sapat na. Mainam din kung sa umaga ito kakainin nang lumakas ang katawan at maka­yanan ang bawat gawain sa buong araw.

Maaari rin namang samahan ng saging ang oatmeal para lalo itong sumarap. Isa rin kasi ang saging sa pagkaing nakatutulong na mapababa ang blood pressure dahil sa mayaman ito sa potassium.

PISTACHIOS

PISTACHIOSKung mahilig ka naman sa nuts o lagi kang naghahanap ng mangu­nguya at mataas ang blood pressure mo, mainam namang kahiligan ang pistachio. Kaysa nga naman kumain ng junk food, makabubuti ang pagkahilig sa nuts gaya ng pistachio.

Mainam na paraan nga naman ang pistachio upang mapababa ang blood pressure ng isang tao. Sapat na ang isang serving ng pistachio sa isang araw upang mapababa ang blood pressure.

Talaga nga namang mahirap pigilin ang sari­ling kumain. At sa tuwing pinipigil din natin ang ating sariling kumain ng mga gusto natin, lalo lamang tayong naghahanap o natatakam.

Oo, masarap ang kumain at mahirap na pigilin ito. Gayunpaman, maging maingat tayo sa pipiliin nating pagkain nang maiwasan natin ang pagka-kasakit. At kung may high blood pressure ka, ang mga nakalista sa itaas ay ilan lamang sa pagkaing puwede mong isama sa iyong diet.

(photo credits: Google)

4 thoughts on “PAGKAING NAKATUTULONG UPANG MAPABABA ANG BLOOD PRESSURE”

  1. 557228 647516This web-site can be a walk-through rather than the data you wished about it and didnt know who must. Glimpse here, and youll certainly discover it. 668120

  2. 668344 587276You created some decent points there. I looked on the net for any dilemma and located most individuals goes along with together with your internet site. 935480

Comments are closed.