PAGKAING NAKATUTULONG UPANG MAWALA ANG DANDRUFF

DANDRUFF

ISANG condition na kinaiinisan natin ay ang pagkakaroon ng dandruff. Marami ang sinasabing dahilan kung kaya’t nagkakaroon ng dandruff ang isang tao. Ilan sa mga dahilang ito ay ang kawalan ng moisture, dermatitis at fungus. Ang ilan naman ay sinasabing sanhi ng pagkakaroon nito ang stress. Minsan naman ay dahil sa ginagamit na styling tools.

Nakahihiya ang pagkakaroon ng ganitong kondisyon. Hindi ka rin mapapalagay lalo na kapag lumalabas ka dahil baka mamaya, may flakes o balakubak ka na sa damit. Para tuloy matiyak na wala, maya’t maya nating sinisilip ang ating balikat nang masi­gurong malinis ito at walang anino ng dandruff.

Ngunit hindi man natin gustuhin ang pagkakaroon nito, may mga pagkakataong hindi ito maiiwasan. Kumbaga, bigla-bigla na lang itong sumusulpot at nalalaman na lang natin kapag nangangati na ang ating anit at nagda-dry na.

Isa ang pagkakaroon ng dandruff sa pinoproblema ng marami. Gayunpaman, may mga pagkaing nakatutulong upang mawala ang dandruff. Narito ang ilan sa mga pagkaing iyan:

APPLE AT APPLE CIDER VINEGAR

APPLE CIDERMansanas ang nangungu­na sa ating listahan. Ika nga ‘di ba: an apple a day keeps the doctor away. At isa nga sa kagandahan ng pagkahilig sa mansanas ay nakatutulong ito upang magamot ang dandruff. Isama lang ang nasabing prutas sa iyong diyeta. Kung hindi mo naman gusto ang lasa ng mansanas, puwede mo namang i-massage sa anit ang juice nito.

Kung wala ka namang mansanas, puwede rin namang magamit ang apple cider vinegar upang magamot at mawala ang dandruff.

Nagtataglay ang apple cider vinegar ng natural probiotics. Dahil anti-bacterial at anti inflammatory ito, pinapatay nito ang bacteria at fungus na nagiging sanhi ng dandruff at iniiwasan ang pagdami pa nito.

LUYA AT BAWANG

Kung may mga pagkain o spices man na hindi nawawala sa kusina, iyan ang luya at bawang. Mainam din ang mga ito para gamiting panggamot sa dandruff. Kapag madalas na ginamit ang luya, mamamatay ang mga bacteria at fungus sa katawan na nagiging sanhi ng dandruff.

LUYAIsang natural antiseptic ang luya na nakapapatay ng fungi na siyang dahilan sa pagkakaroon ng dandruff. Pinatitigil nito ang panga­ngati at maging ang pagdami ng yeast. Nakatutulong din ito upang maiwasan ang pamamaga ng anit.

Isa rin ang bawang sa madalas nating ginagamit sa pagluluto. Pampasarap ito at pampaamoy. Mainam din itong gamiting topical solution para matanggal ang pinoproblemang dandruff.

SAGING

Talaga nga namang hindi nawawala ang saging sa may magandang nidudulot sa katawan dahil sa taglay nitong Vitamin B6, A, E At C. Ma­yaman din sa zinc, potassium, iron, amino acids at antioxidants ang saging na nakatutulong upang ma-treat ang dandruff.

Kahiligan o isama lang sa diyeta ang saging para mawala ang dandruff. O kaya naman, gumawa ng mask gamit ang saging saka ilagay sa anit. Hayaang nakababad doon ang banana mask ng ilang minuto.

SAGINGPuwede rin namang samahan ang mashed banana ng yogurt.

Ang pag-aaplay ng nasabing mixture sa buhok sa loob ng isang buwan ay nakatutulong upang mawala ang dandruff, maging ang panlalagas ng buhok.

Nagagawa rin nitong maging shiny ang buhok.

May mga shampoo rin naman na sinasabing mainam sa pag-treat ng dandruff. Pero bakit pa nga naman tayo gagastos kung may mga pagkain namang makatutulong upang mawala ang nasabing problema. (photos mula sa google) CS SALUD

Comments are closed.