ISA SA ikinababahala ngayon ang depression. Isa itong seryoso at common medical illness na nakaaapekto sa pa-kiramdam, kung paano ka mag-isip at maging kung paano mag-react sa mga nangyayari o bagay-bagay. Ang mga taong depressed ay nakadarama ng kalungkutan at kawalan ng gana sa buhay. Mas marami rin ang bilang ng mga kaba-baihang nakararanas nito kaysa sa lalaki.
Hindi maiwasan na makaranas ng depresyon ang isang tao. Dahil na rin iyan sa maraming bagay, problema at alalahan-ing kinahaharap sa araw-araw. Hindi nga naman mabilang-bilang ang mga problema at pagsubok ang tumatabi-tabi sa atin sa bawat pakikipagsapalaran natin sa mundo. Minsan ay natatalo tayo. Kung minsan naman, nagagawa nating manalo.
Hindi mabilang ang nakararanas ng depresyon. Pero walang pinipiling tao ang dinarapuan nito. Bata man o matanda, nanganak man o hindi, maaaring makaranas nito. Nakaaapekto ito sa pang-araw-araw na buhay, nawawalan tayo ng gana sa pagkain, nagiging malulungkutin at parang nawa-walan ng saysay ang ating buhay.
Sa mga depressed, narito ang ilan sa mga pagkaing dapat kahiligan na nakatutulong upang sumaya ang pakiramdam:
DARK CHOCOLATE
Nangunguna sa ating listahan ang dark chocolate. Marami ang nahihilig dito dahil sa linamnam nito. Ngunit bukod sa masarap na lasa nito, nag-tataglay rin ito ng magandang benepisyo. Nakatutulong ang nasabing pagkain sa mga taong depressed. Kumbaga, isa ito sa mood-boosting food.
Kaya kung depressed ka, isa ang dark chocolate sa maaari mong kahiligan. Ang cocoa na main ingredients ng tsokolate ay nakatutulong upang gumanda ang pakiramdam. Mainam din ito para makapag-concentrate at nakapagpapa-improve ng blood flow sa utak.
BANANA
Ikalawa sa ating listahan ang saging. Nagtataglay nga naman ng vitamin B6 ang nasabing pagkain kaya’t mainam ito sa mga nade-depress. Ang B6 na taglay ng saging ay tumutulong sa ating katawan upang makagawa ng serotonin. Kapag kulang sa vitamin B6 ang isang tao, malaki ang tiyansang makadarama ito ng depression.
APPLES
Ikatlo sa ating listahan ang mansanas. Isa rin ito sa mga pagkaing swak kahiligan ng mga taong depressed. Mayaman sa antioxidants ang nasabing prutas. Ang antioxidants na makukuha sa mansanas ay nakatutulong upang maiwasan ang inflammation.
MANGO
Sa kabuuan, nagtataglay ng mahigit na twenty different vitamins at minerals ang mango. Mayroon din itong photo-chemicals na tumutulong sa maay-os na pag-function ng katawan.
Mayaman din sa vitamin C ang mangga na sumusuporta sa neurological function, collagen formation, immune function at wound healing kaya’t ito ang ikaapat sa ating listahan.
HONEY
Panlima naman ang honey. Bakit honey? Mayaman sa beneficial compounds gaya ng quercetin at kaempferol ang honey na nakapagpapababa ng pamamaga.
Tinutulungan din nito ang utak na maging healthy at maiwasan ang depression.
MGA PAGKAIN AT INUMING DAPAT IWASAN KUNG MAY DEPRESSION
Kung may mga pagkaing swak o nakatutulong sa may depression, mayroon din namang kailangang iwasan, at iyan ay ang mga sumusunod:
PROCESSED FOOD
Nangunguna naman sa ating listahan sa mga pagkaing dapat iwasan kung depressed ay ang processed food. Maraming additives at preservatives ang mga processed food kaya kailangan talaga itong iwasan ng kahit na sino at hindi lamang ng mayroong depression.
ALCOHOL AT SODA
Pagdating naman sa inumin, alcohol at soda, naman ang kailangang iwasan. Marami sa atin ang umiinom ng alcohol at soda pero kailangang limita-han natin. Isa ang alcohol sa nakapagpapa-induce ng sintomas ng anxiety. Nakaaapekto rin ang nasabing inumin sa katawan at nervous system. Puwede rin itong maging sanhi ng hypersensitivity, pagtaas ng heart rate at acute dehydration.
Samantalang ang soda naman ay mayroong artificial food coloring at additives. Nakaaapekto ito sa produksiyon ng ser-otonin sa utak. Ang aspartame o ang isa sa kemikal na ginagamit sa paggawa ng soda ay pinaniniwalaang nakapagdudu-lot ng headache, insomnia, anxiety at mood swings.
FRIED FOOD
Hindi lamang mahirap i-digest ang fried food, napakaliit lamang din ang taglay nitong nutrisyon. Sanhi rin ito ng maraming sakit. Dapat din itong iwasan ng taong depressed.
MAAALAT NA PAGKAIN
Panghuli sa dapat nating iwasan ang maalat na pagkain. Napakarami ring masasamang epekto nito sa katawan gaya na lang sa neurological system, nagiging sanhi ng fatigue at sinisira nito ang immune system. Ang sobrang asin sa katawan ay nagiging sanhi rin ng pagtaba, high blood pressure at water retention.
Kahit nga naman sino ay maaaring dapuan ng depression. Mahirap itong labanan. Kapag ganitong depressed ang isang tao, kailangan talaga nito ng makakausap. Kaya’t maging mapagmatiyag tayo sa mga taong nasa ating paligid.
Kung mayroon taong nakadarama ng depression, bigyan natin sila ng panahong kausapin at payuhan. Kung tayo naman ang nakadarama nito, humingi tayo ng tulong sa pamilya natin at mga kaibigan. Pagkausap o pagkakaroon ng maka-kausap ang isang paraan upang lumuwag ang pakiramdam ng isang tao. (photos mula sa google) CT SARIGUMBA
Comments are closed.