PAGKAKABALAM NG P800-M PROJECTS HIHIMAYIN

Manuelito Luna

MAKIKIPAGPULONG si Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) Commissioner Atty. Manuelito Luna  ngayong araw  kina  Zamboanga City Mayor Maria Isa­belle Climaco at Local Water Utilities Administration  Administrator and Acting Chairman Jeci Lapus sa Zamboanga City Hall.

Tatalakayin sa pulong ang mga dahilan  ng pagkabalam  ng konstruksiyon  ng P800  milyong Septage and Water Treatment Plants   ng LWUA.

Sinabi ni  Atty. Luna habang ang isa sa Barangay Councils ang naglabas ng resolusyon pabor sa  mga kontraktor, ang  delayed issuance nito ay  masasabi umanong paglabag  sa Ease of Doing Business Law ( R.A. No. 11032) and Section 3(e) of R.A. No. 3019, o kilala sa  anti-graft law.

Na-bidding na umano at nai-award noong 2017  matapos ang  ilang kabiguan sa bidding  at sa pagsisikap ng  LWUA administrator Lapus  at PACC Commissioner Manuelito Luna.

Dinaluhan pa ang ground-breaking ng proyekto nina Mayor Climaco, Commissioner Luna, Lapus at dating Zamboanga City Rep. Celso Lobregat.

Comments are closed.