MISMONG si Armed Forces of the Philippines Chief of Staff General Romeo Brawner ang naggawad parangal sa mamamahayag ng Pilipino Mirror at iba pang mga AFP stakeholders bilang bahagi 88th anniversary ng AFP kamakailan.
Isa sa mga tampok na programa ang pagbibigay ng pagkilala sa mga itinuturing na outstanding peace partners ng AFP. Pinili para sa kanilang mga kontribusyon sa kampanya partikular sa kanilang direktang pakikilahok sa mga layunin ng AFP, suporta sa mga kakayahan ng AFP at programa ng modernisasyon, pagkamakabayan, at pakikipag-ugnayan at mga inisyatibo sa pagpapaunlad ng bayan at samabayanan.
Sa kanyang mensahe sa awarding ceremony, flag-raising, at interfaith prayer, nanawagan si General Romeo Brawner Jr, sa lahat ng military personnel, civilian employees, at AFP peace partners na gamiting instrumento ang kapangyarihan ng pagkakaisa, lakas, at katatagan na nasa diwa ng bawat Pilipino.
“It symbolizes the history we carry, the sacrifices of our ancestors, and the dreams of tomorrow’s generations. I express my heartfelt gratitude to our awardees whose exceptional contributions have earned our utmost admiration. Your commitment and support have played a vital role in our achievements,” pahayag pa ni AFP Chief.
Kabilang sa mga tinaguriang outstanding peace partners ng AFP sina Verlin R . Ruiz ng Pilipino Mirror na dalawang ulit na naging pangulo at kasalukuyang Defense Press Corps board member.
Kasama sina Basilan Governor Hadjiman Hataman, Ms. May BandoquilloDivino–Rotary Club President Mr. Rogelio O Buton OIC Health Ministry Davao Central, Mr. Renault M. Lao, CEO ng Ornate Architectural Details and Design , International Committee of the Red Cross –Philippines Representative Mr. Johannes Bruwer–Head of Delegation. Ms. Myrna Q Mallari, CPA, DBA Board of Regents Tarlac Agricultural University OSSSM
Hon. Hermenegildo. Gualberto, City Mayor, San Fernando City, La Union Mr. Francis D Lopez –President, Solid Indigenous New Adventures Guide (SINAG); Sun Logistics Employees Workers Union -1 Mr. Jonathan Irinco–President, SLWU-1 ; Kapatiran Ng mga Dating Rebeldeng Palawan (KADRE-Palawan) Mr. Jerwin Castigador–President, KADRE-Palawan .
Sentro ng Alyansa ng mga Mamamayan Para saBayan (SAMBAYANAN) MrWinefredoDoblizoJr –President, SAMBAYANAN; Community Integration Flex A, B 13 (CIFAB-13) MrAntonino D Roda –President, CIFAB-13; AnlagAni Tapukanan Consumers Cooperative Mr. Robert Bangcong–President, AATCC; at Samahang Nagkakaisa Tungo sa Bagong Pag-Asa (SNBP) President Mrs. Christina M Dakendek. VERLIN RUIZ