PAGKAKAISA, MENSAHE NI PBBM SA EID AL ADHA

PAGKAKAISA o unity ng publiko ang sentro ng mensahe ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa selebrasyon ng Muslim brothers sa kanilang Eid Al Adha o Feast of Sacrifice.

Nanawagan din sa publiko si Pangulong Marcos na lumahok sa selebrasyon bilang pakikiisa at irespeto ang paniniwala ng mga kapatid na Muslim.

“Let us also join them in solidarity as they honor Ibrahim who….when commanded by Allah to sacrifice his own son, demonstrated utmost willingness and obedience , only to be halted at the last moment when his abiding faith was proven,” ayon sa mensahe ng Pangulo.

Una nang pinangunahan ng Pangulo ang sambayanang Filipino ang pakikiisa sa nasabing special occasion ng Muslim brothers at mainit na binati ang mga ito sa kanilang Feast of Sacrifice.

“I extend my warmest greetings to our Muslim brothers and sisters as they celebrate Eid Al Adha,” bahagi ng mensahe ng Punong Ehekutibo.

Ayon sa Pangulo, ang buong Pilipinas ay nakikiisa sa selebrasyon sa lahat na kapatid na Muslim at sa labas ng bansa sa kanilang paniniwala.

Isa aniya itong katunayan, na hangad niya ang pagkakaisa kahit pa magkaiba ng paniniwala.

Nagpapatunay rin na demokratiko ang Pilipinas at kahanga-hanga dahil sa maraming paniiwala na nagpayaman sa kaalaman at kaugalian ng Filipino.

Gayunman, hindi aniya ito dahilan para magkawatak-watak sa halip ay nagpapatibay pa para magkatulungan.

Kinilala rin ni Pangulong Marcos ang paniniwalang Islam.

Ang nasabing okasyon aniya ang nagpapakia sa Muslim Filipinos ng kanilang mainit na kapatiran at kabutihan sa kapwa at ito ay dapat irespeto.

“It is with no doubt that the warmth and kindness that Muslim Filipino shows on this special occasion and throughout the rest of the year will be at bedrock at our collective success as we utter a better and brighter tomorrow for all,” dagdag pa ng Pangulo. EVELYN QUIROZ