PAGKALAT NG ASF ‘DI KAYANG PIGILAN

William Dar

AMINADO ang Department of Agriculture (DA) na hirap silang mapigilan ang pagkalat ng carrier ng sakit na African Swine Fever (ASF).

Sinabi ni Agriculture Secretary William Dar na hanggang ngayon ay kulang pa rin ang kaalaman ng marami ukol sa pagkalat ng sakit.

Ipinaliwanag nito na bagaman hindi ito nakakahawa sa tao kahit makain ang karne ng baboy na may ASF, nagiging carrier naman aniya ang mga tao.

Nabatid na dahil virus ang pinanggagalingan ng sakit, maaaring ang simpleng paghawak sa baboy na may sakit ay maitawid sa ibang baboy na malinis.

Kaya naman, umapela sa iba pang ahensiya ang DA para matulungan silang mapigilan ang pagdami ng carrier sa pamamagitan ng pagbabahagi ng tamang impormasyon. BENEDICT ABAYGAR, JR.

Comments are closed.