PAGKALAT NG COVID-19 HUWAG ISISI SA COMMUTERS

Ariel Inton

NANINIWALANG hindi pasaway ang mga Filipino lalo na ang mga commuter at transport groups.

Ito ang pagdepensa ni Atty. Ariel Inton, presidente ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) sa mga ordinary worker na  araw-araw na nakikipaghabulan sa pagsakay upang pumasok at umuwi.

Binigyang diin ni Inton na hindi nararapat isisi at i-tag ang mga commuter bilang mga “pasaway” at sanhi ng pagdami ng virus.

Nakikita ng LCSP na kailangang mag -adjust ng mga polisiya sa public transportation, payagang bumiyahe ang lahat ng public utility vehicle upang masunod ang 50 porsiyentong seating capacity para maipatupad ang mahusay na healthy protocol ng Inter-Agency Task Force (IATF).

“Kasi kung sasabihin natin na ang pagsisiksikan, paghahabol sa pagsakay sa mga public transport para pumasok at makauwi, ang sanhi ng pagdami ng Covid-19, eh bakit maraming mga nasa “alta  sosyedad” ang victim ng virus at namamatay?” saad ni Inton.

“Ano ba talaga ang cause ng pagsisiksikan at paghahabol sa mga public transport ‘di ba kitang kita nating walang masakyan,” pahayag pa ni Inton.

Aniya, maraming VIPs,  government officials na hindi naman nakikipagsiksikan at nakikipaghabulan sa pagsakay ng mga PUV, subalit naging biktima ng  nakahahawang virus kung kaya’t hindi dapat ibintang na pasaway ang mga Filipino, lalo na ang mga ordinary commuter at workers.

Mungkahi ng LCSP na ugatin at tuntunin ang tunay na problema at solusyon ang ibigay at hindi panahon ng turuan ngayon, ang kailangan natin makinig, at pagkakaisa dahil laban ng lahat ang naturang deadly virus, na pumatay at patuloy na pumapatay pa sa mamamayan.

Dapat pa umanong bigyan ng commendation ang mga ordinary workers  dahil patuloy ang contributions ng mga ito sa ating ekonomiya sa kabila ng pananatili ng pandemya.

Ayon pa sa LCSP, maaaring kailangan mag -adjust at linawing mabuti ang mga policy na ipinatutupad at bigyan ng tamang training ang mga implementor para hindi “overkill” ang pagpapatupad. BENEDICT ABAYGAR, JR.

8 thoughts on “PAGKALAT NG COVID-19 HUWAG ISISI SA COMMUTERS”

  1. 709705 344662Up to now, you call for to term of hire an absolute truck or van and will also be removal equipments to valuable items plus look at the new destination. From the long run, which end up with are couple of points except anxiety moreover stress and anxiety. removals stockport 895102

  2. 744867 226131wonderful issues altogether, you just gained a new reader. What could you recommend about your post that you made some days within the past? Any positive? 212003

Comments are closed.