PAGKAMATAY NG 3 BAKUNADONG MINOR (Iniimbestigahan ng DOH)

INIIMBESTIGAHAN na ng Department of Health (DOH) ang sanhi ng pagkamatay ng tatlong bata na tinurukan ng COVID-19 vaccine.

Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na batay sa ulat ng Regional Surveillance and Epidemiology Units, isa sa mga menor de edad ay namatay sa pneumonia, isa sa dengue habang ang isa pa ay sa pulmonary tuberculosis.

Gayunman, hindi na tinukoy ni Vergeire kung saan naitala ang mga nasabing fatality.

Pinag-aaralan nang maigi ito ng mga eksperto upang mabigyang-linaw kung bakuna nga o hindi, ang sanhi ng kanilang pagkamatay.

Samantala, naasa mahigit 700,000 doses ng COVID-19 vaccines na ang naiturok ng Philippine Red Cross.

Sinabi ni PRC chairman at CEO Sen. Richard Gordon, patuloy ang isinasagawang pagbabakuna ng PRC upang makamit ang herd immunity sa bansa.

Ayon sa PRC health services, nasa kabuuang 754,897 doses ng bakuna ang naibigay kung saan mahigit 200,000 na ang nakakumpleto ng bakuna.

Nitong Disyembre 11, nakapagbakuna na ang PRC volunteers at staff ng mahigit 2,000 indibidwal sa kanilang bakuna centers at bakuna buses sa kanilang operasyon.