PAGKAMATAY NG MGA BABOY SINUSURI NG DA

PIG-1

NANGANGAMBA ang Department of Agriculture (DA) sa pagdami ng bilang ng mga alagang baboy na namamatay dulot ng hindi pa matukoy na sakit.

Sa isang press conference, sinabi ni Agriculture Secretary William Dar na pinakikilos na niya ang kanilang crisis management team matapos niyang matanggap ang incident report mula sa Bureau of Animal Industry (BAI) nitong Agosto 16 hinggil sa pagtaas ng mortality rate ng mga alagang baboy sa bansa.

Ayon kay Dar, magsasagawa sila ng confirmatory laboratory test kabilang na ang pagkuha ng blood samples mula sa mga apektadong baboy at ipa-dadala sa foreign laboratories upang matukoy ang sakit na nakaaapekto sa mga ito.

Kasalukuyan namang hinihiwalay nga­yon ang mga baboy na apektado ng hindi pa natutukoy na sakit upang maiwasan na rin ang pagkahawa at pagkalat nito.

Sa ngayon, hindi pa matukoy kung ito ay may kaugnayan sa African Swine Fever na nakaapekto sa hog industry ng maraming bansa sa mga nakali-pas na buwan.

Samantala, nanawagan si Dar sa mga key industry players at backyard hog raisers na makipag-ugnayan sa gob­yerno upang mabilis na masupil ang kumakalat na sakit.      BENEDICT ABAYGAR, JR.

Comments are closed.