PAGKAMATAY NG MGA PRESO SA NBP PINAIIMBESTIGAHAN

Sen Risa Hontiveros-Baraquel

PINAIIMBESTIGAHAN ni Senador Risa Hontiveros sa Senado ang pagkamatay ng mga preso sa New Bilibid Prison (NBP) dahil sa sakit na COVID-19.

Sa House Resolution 473 na inihain ni Hontiveros, sinabi nito na noong mga nakaraang pagdinig ng Senado  ay nabunyag ang mga kalokohan at pabor na ibinibigay ng Bureau of Corrections (Bucor) sa mga maya­yamang preso.

Giit pa ng senadora na kahit walang mapatunayang korupsiyon ay mahalagang ma-review pa rin ang health at sanitary conditions sa mga kulungan para matugunan ang abnormal na pagtaas ng bilang ng COVID-19 cases

Matatandaan na n­aghain na rin ng resolusyon si Senate president Vicente Sotto III  na nagpapaimbestiga sa nasabing insidente.

Maaari umanong ikasa ang nasabing pagdinig isang linggo matapos ang pagbubukas ng sesyon ng Kongreso.

Samantala, nagbanta naman si Senador Ri­­ch­a­rd Gordon, chairman ng Senate blue ribbon  at justice committee na maaring maharap sa kasong administratibo ang mga opisyal ng Bucor  dahil sa “grave misconduct”. LIZA SORIANO

Comments are closed.