PAGKAMATAY NI FR. DE LUMAN TUTUTUKAN

nomer de lumen

RIZAL- BUMUO ng AD HOC Committee si Antipolo Bishop Francisco de Leon upang magsagawa ng imbestigasyon sa dahilan ng pagkamatay ni Father De Lumen na natagpuang patay at may tama ng baril.

Si Fr. De Lumen ay dating parish vicar  ng St. John the Baptish church  sa Taytay ,Rizal.

Sa kautusang inilabas ni Bishop de Leon, itinalaga nito si Antipolo Auxiliary Bishop Nolly Buco bilang chairman ng komite at mga miyembrong sina  Fr.Ally Barcinal at exorcist Priest na si Fr. Jeffrey Quintela.

Layunin ng investigation body na alamin ang katotohanan sa pagkamatay ni Fr. De Lumen na may ibayong paggalang sa simbahan at dignidad ng pari.

Binigyan ni Bishop de Leon ang komite ng hanggang katapusan nitong Nobyembre  upang isumite ang resulta ng imbestigasyon.

Nabatid na dahil na rin sa hiling na hustiya ng pamilya ni Fr. De Lumen kung kaya’t  magsasagawa ng imbestigasyon.

Si Father De Lumen ay natagpuang patay noong Setyembre 9, dakong  alas-3:45 ng hapon sa loob ng kanyang kuwarto na may tama ng bala sa baba .

Natagpuan sa crime scene ang isang revolver at dalawang bala. PAUL ROLDAN

Comments are closed.