TALENTED singer Jacqui Magno passed away last June 21 but nobody seemed to notice.
Lahat ay naka-focus sa kamatayan ng icon na si Eddie Garcia at lahat ng mga write-ups ay naka-focus sa kanya.
What a pity for Jacqui Magno who was able to create a name for herself ang also at the local tin-pan alley.
Si Vivian Velez lang ang nagbalita sa kanyang kamatayan, na sinundan rin ng mga kapwa singers niyang sina Richard Merk at Lea Salonga at Noel Cabangon.
How sad! Kahit sa kamatayan pala ay mayroon ring discrimination.
Kung sabagay, namatay at nailibing nga si Augusto Victa nang hindi man lang napababalita.
Punong-puno nga ng hinanakit ang kanyang mga anak dahil wala man lang daw na mga kaibigan nito sa industriya ang nakaalala save for one actress who was not that popular and is no longer active in the industry.
Nakalulungkot naman!
JOROSS GAMBOA NAGSUKA SA SHOOTING NG ACTION MOVIE
JOROSS Gamboa vomitted while doing an action movie that is being directed by Richard Somes last Saturday, June 22, at around 8:00 PM in Bacolod City.
Agad siyang inalalayan ng mga taga-production.
Mabuti at preparado ang production dahil may ambulance sa set. Hindi naman inabot ng 30 minutes ang pag-attend kay Joross.
Agad na nilinaw ng aktor na hindi siya napatid ng kable at nakatago ito sa set. Wala pa raw siyang tulog at masyadong maaksiyon at mausok ang mga eksena.
Kung ang tulad nga ni Joross na bata pa at in the pink of health ay naaapektuhan, pa’no pa kaya ang isang nobenta anyos na tulad ni Manoy Eddie Garcia?
Teka, may hotel room naman siya para matulog at magpahinga, bakit siya napuyat?
“Kasi, ‘yung anak ko, naaksidente sa bahay the day before. Nagkokotse-kotsehan.
“Nabagok sa kanto ng mesa. Nagmo-monitor ako sa anak ko. Kasi, tumama ‘yung ulo. 48 hours na under observation. Nagdugo kasi ang ilong, e. E, two years old ba naman. Kawawa naman.”
Anyway, kahit walang tulog, nag-report pa rin siya sa shooting ng kanilang action movie.
“With the usok and putukan and everything, takbuhan, ayun nga… bigla akong nagsuka.
“Pero parang normal naman sa amin ‘yung mga… si Jeff Tam, nagkaganoon din the day before. In fairness, andoon agad ang medics sa tabi namin.”
Kaya raw dapat, kapag gagawa kayo ng ganitong maaaksyong pelikula, dapat fit kayo. Kumakain nang tama sa oras at sapat rin ang tulog n’yo.
Panata na ni Joross ang pakikisaya sa Piña festival, which is on its third year already.
Naka-bonding daw ni Joross nang husto si Ormoc City Mayor Richard Gomez sa shooting ng pelikulang Three Words to Forever.
Anyway, he was able to survive the parade and was able to do a bit of hosting in one segment of the program that evening.
He, along with Akihiro Blanco, serenaded the 8 queens of the 3rd Piña Festival.
Follow me at my Twitter account Pete Ampoloquio, Jr.
And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity. Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!
Comments are closed.