PAGKANSELA NG BOOKING SA TNVS, GAGAWING CRIMINAL OFFENSE

PINAG-AARALAN  ng House Committee on Transportation na gawing criminal offense ang pagkakansela ng mga driver ng Transport Network Vehicle Services o TNVS sa booking ng kanilang mga pasahero.

Gayundin ang pagtanggi o pamimili ng mga taxi driver na ihatid ang kanilang mga pasahero sa kahit saang destinasyon.

Ayon kay House Committee on Transportation Vice Chairman Representative Edgar Mary Sar­miento, layunin ng panukala ang madisiplina ang drivers ng mga TNVS at maproteksiyunan ang karapatan ng mga mananakay.

Aniya, sa pagbubukas pa lamang ng session sa Mayo 15 muli nilang tatalakayin ang mga nabinbing panukalang batas na nagre-regulate sa mga TNVS.

Samantala, hinimok naman ni Deputy Speaker Raneo Abu ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na tiyaking napoprotektahan nito ang publiko laban sa mga abusadong TNVS at taxi drivers.  Krista De Dios-DWIZ882

 

 

 

 

 

 

 

Comments are closed.