PAGKANSELA SA PASSPORT NG DRUG QUEEN OK SA PALASYO

VISA-1

PABOR ang Malakanyang  na kan­selahin ang pasaporte ng tinaguriang drug queen na si dating Barangay 484 Zone 48, Manila Captain Guia Gomez Castro.

Kasunod ito ng paghimok Senate Minority Leader Franklin Drilon sa Department of Foreign Affairs dahil  maituturing nang pugante si Castro na kumpirmadong lumipad patungong Bangkok, Thailand nitong Setyembre 21.

Sa pahayag ni  Presidential Spokesman Salvador Panelo, mayroon nang warrant of arrest si Castro kaya’t magandang ideya kung kakanselahin na ang passport nito.

Una nang hiniling ni Manila Mayor Isko Moreno sa International Criminal Police Organization (Interpol) at national government ng Thailand na arestuhin ang tinaguriang reyna ng droga na inaaakusahang buyer at distributor ng mga ilegal na droga mula sa ninja cops o mga pulis na sinasabing nagre-recycle ng drogang nasasamsam sa illegal drug operations.

Comments are closed.