KUMPIYANSA si Senate President Vicente Sotto III na makapapasa ang resolusyon ng Senado para pigilan ang pagkalas ng Filipinas sa Visiting Forces Agreement (VFA).
Ito ang naging reaksyon ni Sotto matapos na mapaulat na ipinag-utos na ng Pangulo ang pagkalas ng pamahalaan sa kasunduan ng Filipinas at Estados Unidos.
Sinabi ni Sotto, dapat na pag-aralan at pag-isipan muna ang desisyong ibasura na ang kasunduan dahil malaki ang pakinabang dito ng Filipinas.
“Based on the hearing nung Thursday, majority sa amin ay pabor dun sa resolution na iyan na i-review at i-consider ang abrogation,” ani Sotto.
Nauna rito, sinabi naman ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. na dapat pag-aralan ng mabuti ang nilalaman ng kasunduan at ang posibleng maging epekto kung ibabasura ito ng bansa. DWIZ 882
Comments are closed.