PAGKANSELA SA VISA NI DJOKOVIC KINATIGAN NG AUSTRALIAN FEDERAL COURT

Novak Djokovic

PINAGTIBAY ng isang Australian court ang desisyon ng gobyerno nito na kanselahin ang visa ni Novak Djokovic.

Dahil dito ay naglaho ang pag-asa ng unvaccinated tennis superstar na magwagi sa Australian Open at makopo ang record-breaking 21 men’s Grand Slam titles.

Nagpalabas ng desisyon sa isang kasong naging sentro ng usapan sa Australia at sa sporting world sa loob ng mahigit isang linggo, dininig ng three-judge bench ng Federal Court ang mga argumento ng government lawyers “that Djokovic’s continued presence risked whipping up anti-vaccination sentiment during Australia’s worst outbreak of COVID-19 since the pandemic began.”

Inalmahan ng mga taga-Australia ang medical exemption na nagpapahintulot sa Serbian tennis world number one na makapasok sa bansa kahit hindi bakunado.

Naging political issue din ito para kay  Prime Minister Scott Morrison, na kinailangang magpatawag ng federal election bago ang Mayo.