PAGKASA NG PUSHER ‘DI UMUBRA, 19 PA NADAKIP

drug pusher

BULACAN – PATAY ang isang drug pusher makaraang kumasa sa Drug Enforcement Unit (DEU) habang 19 pang sangkot sa droga ang nadakip sa serye ng anti-illegal drug operation na isinagawa ng Bulacan-PNP sa San Jose del Monte City at iba pang bahagi ng lalawigan kama­kalawa ng gabi at kahapon ng madaling araw.

Base sa report kay P/Col. Emma Libunao, Acting Provincial Director ng Bulacan-PNP, nakilala ang suspek na si Khalid Kasan, ng Barangay San Manuel.

Madaling araw nang magkasa ng buy bust ope­ration ang DEU operative sa supervision ni P/Lt.Col. Orlando Castil Jr, hepe ng pulisya ng SJDM City PNP sa Barangay San Manuel at kanilang target ang tulak na si Kasan ngunit nakatunog ito at ang kanyang kasama kaya bumunot ng baril at lumaban nang sabayan.

Dito na napilitang gumanti ng putok ang awtoridad kaya napatay ang suspek habang nakorner si Lucky Cris San Pascual sa follow-up operation.

Samantalan, 19 pang drug suspect ang nadakip ng DEU operatives sa mga bayan ng Plaridel, Pandi, Guiguinto, Meycauayan City, Balagtas, Pulilan at Malolos City at gayundin sa SJDM City at umabot sa 50 pakete ng shabu at buy bust money. MARIVIC RAGUDOS