IKINATUWA ni Senator Risa Hontiveros ang hakbang ng National Bureau of Investigation (NBI) na magsampa ng mga kasong kriminal laban sa isang babaeng immigration officer na umano ay sangkot sa pagpapadali sa paglipad ng mga trafficker na indibidwal sa Cambodia.
“Ang pagkaso sa mga Bureau Immigration (BI) officers ay isang napakahalagang hakbang para tuluyang matuldukan na ang malawakang human trafficking ng mga Pilipino,” ani Hontiveros.
“Our Senate Committee on Women has long revealed that Chinese crypto scam syndicates want an all-Filipino team for their criminal operations, and we simply cannot allow this,” dagdag pa ng mambabatas.
Sa naunang pahayag, ibinunyag ng BI na ang pag-alis ng anim na hinihinalang biktima ng trafficking patungong Cambodia ay naproseso ng immigration officer noong Enero ngayong taon.
Idinagdag nito na ang parehong opisyal din ang nag-facilitate sa paglipad ng tatlo pang biktima mula Cambodia patungong Maynila noong Pebrero.
Pinuri ni Hontiveros ang NBI sa pagsisikap nitong tulungan ang mga illegal recruiter at human traffickers sa hustisya at idiniin na maging ang mga opisyal at empleyado ng gobyerno ay mananagot.
“Nagpapasalamat din ako sa mga witness, mga victim-survivors ng crypto human trafficking sa Cambodia, na naglakas loob makipag-ugnayan sa opisina ko at nagsiwalat ng kanilang kwento. Their testimonies have been key to the filing of these charges,” ani Hontiveros.
LIZA SORIANO