(Pagkatapos ng 18 taon) ASSUNTA NAISILANG NA ANG PANGANAY 

Assunta de Rosi

PAGKATAPOS ng maraming taong paghihintay na magka-baby,  sa wakas ay naisilang na ng 37-anyos na aktres na si Assunta de Rosi ang kanyang panganay nitong Biyernes, Oktubre 21.

Kinumpirma ang magandang balita  sa Instagram ng publicist  na si Jun Lalin, na nag-post pa ng unang larawan ng sanggol.

Pinangalanan nina Assunta at ng kabiyak nitong si Jules Ledesma ang kanilang unica hija na    Giulia Fiorentina Alessandra.

Si Assunta ay nagsilang via  elective cesarean section ganap na alas- 7:06  ng umaga sa Cardinal Santos Medical Center sa San Juan City.

Matatandaang noong Mayo ay iniaunsiyo ni Assunta na siya ay  14 linggong buntis  na tinawag nitong  “miracle baby.”

Naging mahirap para kay Assunta ang  pagbubuntis dahil sa kanyang myoma.

Sina Assunta at 59 anyos na si  Jules ay mahigit  18 taon nang kasal.

Comments are closed.