TUTULONG ang Filipinas sa grant fund ng Asian Development Bank ngayong taon, ang una magmula nang matapos ang pagtulong ng bansa sa nakalipas na 10 taon.
Ayon sa Department of Finance (DOF), ang eksaktong halaga ay iaanunsiyo sa isang pledging session sa sidelines ng 53rd Annual Meeting ng ADB sa South Korea sa Mayo.
“Since the Philippines’ graduation from ADF assistance in 1999, we have yet to contribute to the replenishment of the Fund,” wika ni Finance Secretary Carlos Dominguez III.
Ang tinutukoy niya ay ang Asian Development Fund (ADF), na nagkakaloob ng grants sa lower-income developing member countries ng ADB.
Ang ADF ay sumusuporta sa mga aktibidad na pangunahing may kinalaman sa pagsugpo sa kahirapan at pagpapabuti ng kalidad ng pamumuhay sa mas mahihirap na bansa sa Asia and Pacific region.
“Now, as we move to the upper-middle-income status, the country is poised to extend help to the LDCs (least developed countries), including some of our neighbors in the Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) and the Pacific,” pagbibigay-diin ni Dominguez.
Naunang sinabi ni Socioeconomic Planning Secretary Ernesto Pernia na posibleng matamo ng Filipinas ang upper-middle-income status ngayong taon.
May upper-middle-income status classification, ang Filipinas ay maaaring makakuha ng mas magandang rates sa loans at assistance mula sa foreign bodies.
“With the proposed Philippine contribution to ADF 13, the country is expected to benefit in terms of further driving its growth from the possible development of new markets within the region,” dagdag ni Dominguez. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM
Comments are closed.