DALAWA ang puntirya ni John Leerams Chicano – ang matagumpay na maipagtanggol ang kanyang korona sa 2021 Southeast Asian Games sa Vietnam at ang makapaglaro sa Tokyo Olympics.
“Ito ang dalawang goal ko at gusto kong matupad bilang triathlete. Mula nang maging member ako ng national team ay pinangarap kong pagdating ng araw ay makapaglaro ako sa Olympics,” sabi ni Chicano
“Matapos ang lockdown ay ipagpapatuloy ko ang pag-eensayo para sa paghahanda sa Olympic qualifying at SEA Games,” wika ng 23-anyos na dating bike mechanic sa Olongapo .
Dinomina ni Chicano ang three-event triathlon sa nakaraang SEA Games na ginawa sa Subic Freeport Zone sa bagong meet record na one hour and 53 minutes at binura ang lumang 1:55 na ginawa ni Nikko Huelgas sa Malaysia.
Target ni Triathlon Association of the Philippines president Tom Carrasco na makapaglaro ang Pinoy sa Olympic Games bagama’t inaasahan na niya na dadaan ito sa matinding pagsubok para samahan sina pole vault specialist Ernest John Obiena, gymnast Carlos Edriel Yulo, at boxers Felix Eumer Marcial at Irish Magno sa quadrennial meet.
Bukod sa makapaglaro sa Olympics, hangad din ni Carrasco makapasok ang mga Pinoy sa top 200 sa mundo.
Bilang defending champion at runner-up kay Huelgas sa Malaysia, paboritong manalo si Chicano sa Vietnam.
Dinomina ng Pinas ang triathlon sa tatlong nagdaang SEA Games na ginawa sa Singapore, Malaysia at Pinas at puntirya ni Chicano na map-anatili ang korona sa una niyang pagpunta sa Vietnam.
Inamin ni Chicano na hindi madali ang kanyang title retention bid dahil hindi niya kabisado ang ruta at ngayon lang siya pupunta sa Vi-etnam.
“Hindi ko masabi dahil ‘di pa ako nakapunta sa Vietnam. Siguro pareho rin ang ruta sa Singapore, Malaysia at sa Pinas,” sabi ni Chicano. CLYDE MARIANO
Comments are closed.