HINDI maiiwasang malungkot ng fans nina Alden Richards at Maine Mendoza, ang AlDub Nation, nang lumabas ang isang eksena ng “Hello, Love, Goodbye, (HLG)” ang first movie team-up nina Kathryn Bernardo at Alden Richards for Star Cinema na kinunan halos ang kabuuan sa Hong Kong.
Pinost din nila ang same scene ng “Imagine You & Me, (IYAM)” ang first movie team-up nina Alden at Maine na kinunan halos ang kabuuan sa Como, Italy noong 2016. Caption nga nila: “from Italy to Hong Kong.”
Nalungkot ang ADN dahil right after the success ng showing ng “IYAM” nangako ang director nitong si direk Mike Tuviera, na susundan agad ito ng isa pang movie-team up nina Alden at Maine. In fact, pinag-training pa niya ang dalawa dahil action-romance daw ang movie at kukunan din ito abroad.
Pero hindi nga iyon nagkaroon ng katuparan at kapag tinatanong nila si direk Mark, tuloy pa rin daw, kaya lamang lumipas na nga ang tatlong taon, wala pang nangyayari.
Hangad ng fans ang success ng “Hello, Love, Goodbye” dahil sabi nga miss na nila si Alden mapanood sa big screen. Masaya sila sa success ng teaser launch last June 14, na sinundan ng unboxing ng official poster at ang big reveal kung kailan talaga ang playdate nila, na ginanap sa Trinoma. Opening date nila, sa July 31.
Marami nang nagtatanong na fans abroad kung magkakaroon daw ito ng international screening. For sure, magkakaroon ito tulad din ng ibang pelikulang ginawa ng Star Cinema. May balita ring hindi ang “Hello, Love, Goodbye” ang first movie na gagawin ni Alden sa Star Cinema, totoo kayang may possibility rin ang team-up niya kay Sarah Geronimo? Abang-abang na lamang kayo.
OFWs SA DUBAI PROUD SA PAGKALAGAY NG FILIPINO FLAG SA BURJ KHALIFA
TOTOO namang nakaka-proud ng feelings na makita ng isang Filipino na ang National Flag ng Filipinas ay inilagay sa tallest building in the world, ang Burj Khalifa sa Dubai, United Arab Emirates, a day bago pa ang celebration ng Philippine Independence Day roon.
Mas lalong naging proud ang libo-libong overseas Filipino workers (OFWs) na nagtatrabaho roon nang makita naman ang napakalaking photo ng ating 2018 Miss Universe Catriona Gray sa itaas ng Dubai Festival Mall LED Show para sa 121st Independence Day Celebration of the Philippines.
May nag-caption na ginawa raw iyon dahil gusto raw ng UAE na sila ang mag-host ng Miss Universe 2019. Pero hindi iyon totoo, dahil naka-schedule na sa South Korea gaganapin ang Miss Universe 2019 kung saan isasalin ni Catriona ang kanyang korona.
Comments are closed.