ANG pagkawala ng panlasa ay isang simtomas na bumabagabag sa atin ngayon dahil sa sakit na Covid. Ang ating dila ay mayroong mga taste receptors na nag-rereact sa mga chemical na ating kinakain kapag ito ay ating nginuya at humalo na sa ating laway. Ang quality ng lasa ng pagkain ay sanhi ng functions ng tatlong cranial nerves; ang Facial nerve ay ang nag dedetermine ng lasa sa harapang (anterior) two thirds ng ating dila, ang Glossopharyngeal nerve naman ay ang may sakop sa likod (Posterior) one- third ng ating dila, at ang Vagus Nerve naman ang may sakop sa parting ngala ngala at epiglottis region. Ang Olfactory nerve bagamat involved sa pang amoy, at ang Trigeminal nerve na nag de-determine ng texture ng pagkain, ay mayroong contribution upang malaman ang lasa ng isang pagkain. Ang Parietal lobe ng ating utak ang nagsisilbing processing area ng signal na ito at nagsasabi kung ano ang lasa ng ating kinain.
Ang kawalan ng panglasa ay hindi unique sa sakit na Covid at ito ay dapat ding itugma sa symptomatology ng isang pasyente. Ilan sa mga sakit na may dulot ng kawalan ng panglasa ay head injury na maaring makaapekto sa utak, Diabetes, Parkinsons Disease, Alzheimer’s Disease, Multiple Sclerosis, Dental at Mouth Problems, mga gamot na mayroong side effects na kawalan ng panglasa, Paninigarilyo at marami pang iba.
Ang simpleng ubo at sipon at Middle Ear infections ay maari ding makaapekto sa panglasa. Ang Covid bilang isang Respiratory Viral Infection ay mayroong simtomas na pagkawala ng panlasa at maski pang amoy. Ayon sa pagaaral nasa 80 percent ng pasyente na mayroong Covid ang may simtomas na nabanggit. Ayon din sa mga pag-aaral, isa sa mga posibilidad kung bakit ang mga Respiratory Tract Infections tulad ng Covid ay nakakaapekto sa panglasa at pang amoy ay dahil sa dulot nitong nasal congestion, mahinang drainage at overproduction ng plema ay nag-bloblock ng mga chemicals upang maka-react sa mga nerve endings. Isa din sa posibilidad ay ang inflammatory reactions or pamamaga na dulot ng mga mikrobyong na nag-iinfect sa ating Upper Respiratory Tract. Malaking bagay na tignan ang iba pang simtomas na kaakibat bago mangamba ang isang taong mayroong kawalan ng panglasa. Ang pagpapakonsulta sa isang Ears Nose and Throat Specialist ay makakatulong upang ma-rule-out ang iba pang sakit na maaaring sanhi nito. Kung ang suspetsa naman ay Respiratory Infection bilang sanhi ng kawalan ng panglasa, ang RT PCR Swab test ay ang nananatiling Gold Standard upang matukoy kung ito nga ba ay Covid o hindi.
Kapag mayroong katanungan maaring mag email sa [email protected] o mag like at mag comment sa fan page na Medicus Et Legem sa facebook link ( https://www. facebook. com/Dr-Sam-Zacate- Medicus -et-Legem- 995570940634331/) – Dr Samuel A Zacate
Comments are closed.