PAGKILALA SA ‘TAWA-TAWA’ BILANG GAMOT SA DENGUE, IGINIIT

TAWA-TAWA-DENGUE

UMAPELA si 5th Dist. Que­zon City Rep. Alfred Vargas sa mga kinauukulang ahensiya ng pamahalaan na magkaroon nang pormal na pagkilala sa ‘tawa-tawa’ bilang isang herbal medicine o gamot laban sa nakamamatay na sakit na dengue.

Partikular na nanawagan ang Quezon City lawmaker sa Department of Science and Technology (DOST), Department of Health (DOH) at Food and Drugs Administration (FDA) para gumawa ng kaukulang hakbang at pana­naliksik upang mapatunayan ang tunay na bisa ng naturang halaman kontra sa dengue.

“I call on the Department of Science and Technology, Department of Health and Bureau of Food and Drugs to recognize Tawa-tawa and its elements of cure. It is about time, that we do scientific research on how to effectively utilize the success of Tawa-tawa in curing dengue-patients that is now be-coming a regular epidemic,” ani Vargas.

Giit ng kongresista, mismong  ang Health Department na ang naghayag na nasa nakababahalang estado na ang kaso ng naturang sakit kung saan umabot na sa 106,630 ang bilang ng dengue patients mula sa iba’t ibang rehiyon sa bansa.

Ang mas nakalulungkot umano sabi ni Vargas ay ang hindi maitatagong bilang ng mga binawian ng buhay dala ng dengue virus na ito, na umakyat sa 500 katao.

Ayon kay Vargas, batid mismo ng mga nabanggit na government agencies na ma­rami sa ating mga kababayan ang gumagamit ng Tawa-tawa at nagpapatunay na gumaling mula sa pagkakaroon ng dengue bunsod nito.

Subalit may mga doktor naman umano ang  mismong nagsasabi sa pamilya ng mga pasyenteng may dengue na huwag paniwalaan ang patungkol sa Tawa-tawa.

“Our country is blessed with the abundance of Tawa-tawa, a plant has a reputation to cure a wide-array of illnesses such as respiratory, inflammatory, gastrointestinal, fungal and bacterial. Countries like India, West Africa and Nigeria among others already recognize the plant and its medicinal value. Why not the Philippines?” tanong ni Vargas. ROMER R. BUTUYAN

Comments are closed.