WALANG nakikitang problema si Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo sa mungkahi ng isang mambabatas na sumabak sa pagko-commute tuwing Lunes ang matataas na opisyal ng pamahalaan.
Ito ang nakapaloob sa inihaing panukala ni Iligan City Representative Frederick Siao, ang Public Servant Commuting Public Transport Act.
Ayon kay Panelo, walang problema kung gumamit ng pampublikong sasakyan isang beses kada Linggo.
Aniya, suportado nito ang ano pang gawin at ilakip na probisyon ni Siao sa kanyang ihahaing panuklang batas na ang layunin ay hindi lamang ma-decongest ang lansangan sa napakaraming sasakyan.
Paalala na rin ito sa mga government official kung anong kalbaryo ang dinaraanan ng publiko sa matinding trapik araw-araw.
Samantala, nagpahaging naman si Panelo na muli siyang sasabak sa pagko-commute pero hindi niya na ito i-aanunsiyo pa.
Abangan na lang daw ang kanyang pagse-selfie sa kanyang unannounced commute challenge.
Comments are closed.