Sermon ang inabot ng Employers Confederation of the Philippines (ECOP) kay ACT-CIS Rep. Erwin Tulfo matapos magpahayag ang grupo ng hindi pagsang-ayon sa panukalang batas na oobligahin ang mga pribadong kompanya na mag-hire ng persons with disabilities (PWDs).
Ayon kasi sa House Bill 8941 na inihain ni Cong. Tulfo at mga kasama na sina Rep. Edvic Yap, Jocelyn Tulfo, Eric Yap, Ralph Tulfo, at Wilbert Lee kailangan mag-hire ng 2% ng workforce ng isang kompanya na may 1,000 employees at 1% naman sa mga small businesses na may 100 or less na empleyado.
Hindi pinalagpas ni Tulfo ang tila pagtutol ng resource person ng ECOP sa nasabing panukalang batas.
Sinabi ng tagapagsalita ng ECOP, “Additional training, facilities, and equipment if a business is mandated to hire a PWD…therefore additional cost”.
“Yan ang lagi ninyong palusot. Additional training and facilities kaya dagdag gastos sa employer,” buwelta ni Tulfo.
Aniya, “Siyempre mag-hire ka ng PWD na kakayanin niya ang trabaho. Example pwede mga may kapansasanan sa paglakad sa front desk o office o mga IT”.
“Bakit ka magha-hire ng PWD na hindi niya kaya? Kasalanan mo if kumuha ka ng PWD na hindi niya kaya ang trabaho dahil sa kanyang kapansanan”, dagdag pa ng House Deputy Majority Leader.