PAGKUHA NG ALIEN WORK PERMIT PINAYAGAN

MAAARI  nang mag-aplay ng kanilang Alien Employment Permit (AEP) o Certificate of Exemption/Exclusion (COE) ang mga dayuhang nagnanais na magtrabaho sa Pilipinas nang mahigit sa anim na buwan sa pamamagitan ng kanilang employer na nakabase sa Pilipinas.

“Ang mga essential foreign worker, sa pamamagitan ng kanilang employer na naka-base dito sa Pilipinas, ay maaari nang mag-apply para sa AEP/COE at 9(g) work visa sa kanilang kinauukulang DOLE regional office bago sila pumasok ng bansa,” pahayag ni Labor Secretary Silvestre H. Bello III.

Una nang pinalabas ni Secretary Bello ang Department of Labor and Employment (DOLE) Labor Advisory No. 16, series of 2021, o ang Issuance of AEP and COE for Foreign Nationals Intending to Come to the Philippines for Long-term Employment.

“Sa ilalim ng bagong patakaran, ang pagbibigay ng work visa ay maaaring gawin sa Philippine Consulate General kung saang bansa nagmula ang dayuhan at hindi na mangangailangan ng entry stamp mula sa Department of Foreign Affairs,” dagdag ng DOLE chief.

Ang mga isusumiteng dokumento para sa AEP at COE ay batay pa rin sa mga naunang inilabas na patakaran, katulad ng Joint Memorandum Circular No. 001, series of 2019 at Section 3 of Department Order No. 221, series of 2021, maliban sa kopya ng balidong visa na kaillangang isumite sa loob ng 30-araw mula nang sila ay dumating at matapos kumpletuhin ang 14-araw na quarantine protocol.

Tinatayang maibibigay ang AEP limang araw matapos kumpletuhin ang labor market test o maipalabas ito sa pahayagan na may pangkalahatang sirkulasyon habang tatlong araw naman ang COE matapos matanggap ang aplikasyon.

Kapag ito ay naipagkaloob na, maaari nang ituloy ng kanilang employer na naka-base sa Pilipinas ang aplikasyon para sa naaayong work visa sa Bureau of Immigration o sa iba pang visa-issuing agency, ayon sa pinakahuling patakaran.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa aplikasyon at pagkakaloob ng AEP, maaaring bisitahin ang DOLE-Bureau of Local Employment website at Facebook Page. LIZA SORIANO

8 thoughts on “PAGKUHA NG ALIEN WORK PERMIT PINAYAGAN”

  1. I’ve been looking for photos and articles on this topic over the past few days due to a school assignment, totosite and I’m really happy to find a post with the material I was looking for! I bookmark and will come often! Thanks 😀

Comments are closed.