PAGKUHA NG FOREIGN WORKING PERMIT PINAHIGPIT

foreign workers

MAYNILA – DADAAN  sa butas ng karayom ang issuance ng working permits (WP) sa mga dayuhan na nagnanais magtrabaho sa bansa.

Ito ang naging pahayag ng Bureau of Immigration (BI)  upang maprotektahan ang kapakanan ng mga Filipino.

Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente, magpapalabas ang Department of labor and Employment (DOLE) at ang Bureau of Internal Revenue (BIR) ng bagong guidelines tungkol sa pag-isyu ng WP sa mga foreigner.

Makaraang madiskubre ang pagtaas o paglobo ng mga nagtatrabahong dayuhan sa bansa sapagkat sinamantala o inabuso ng ilang opisyal ng BI, at dahil sa pakikipagsabwatan ng ilang Chinese na malakas sa ilang opisyal ng BI.

Dagdag pa ni Morente na noong nakaraang administrasyon ang issuance ng SWP sa mga foreigner ay walang restriction  at aniya “prone to abuse” kung ka­yat hihigpitan nila ang pag-isyu ng WP sa mga ito.

Aniya, sa lumang guidelines pinapayagan ang mga foreign national na mayroong tourist visa ,na mkapagtrabaho sa loob ng anim na buwan, ngunit “it does not bind a foreigner in an emplo­yer-employee arrangement.”

Batay sa rekord ng BI umaabot sa 83,760 ang bilang ng dayuhan na nabigyan ng SWPs ng BI noong nakalipas na taon 2018, ngunit sa report ng DOLE umabot lamang sa 54,241 Alien Employment Permits ang nasa talaan ng kanilang opisina. FROILAN MORALLOS

Comments are closed.