INANUNSIYO ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pinaikling waiting time para sa pagpapalabas ng mga bagong passport, pinakamabilis na ang anim na araw simula sa Ok-tubre 1.
Ayon sa DFA, ang mga aplikante sa DFA Consular Offices sa Metro Manila na magbabayad ng express processing fee na P1,200 ay maaaring matanggap ang kanilang passports matapos ang 6 working days sa halip na 7 araw.
Samantala, ang mga magbabayad ng regular processing fee na P950 ay maaari namang makuha ang kanilang passports matapos ang 12 working days, sa halip na 15 araw.
“We made a promise to the President and to our kababayan that we will work hard to give them fast, efficient, and secure pass-port services,” wika ng DFA sa isang statement, tinukoy si Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano na kasalukuyang nasa New York.
Ayon kay Cayetano, ang mga aplikante sa DFA Consular Offices sa labas ng Metro Manila ay maaaring matanggap ang kanil-ang passports matapos ang 12 working days sa halip na 20 para sa regular pro-cessing at makalipas ang 7 working days sa halip na 10 para sa expedited processing.
Napag-alaman na ang passports na pinoproseso araw-araw ay tumaas sa halos 20,000 mula sa 9,500 noong Mayo ng nakaraang taon sa pagbubukas ng libo-libong appointment slots.
“We endeavor to increase this number to 30,000 by the end of the year,” wika ni Cayetano.