PAGKUHA NG VISA SA SOUTH KOREA PINABILIS

VISA-Korea

MAKATI CITY – GOOD news sa mga Filipino na nais magtungo sa South Korea.

Ito ay dahil asahan ang mas maikling oras sa proseso ng release ng visa habang mas makikinabang ang mga overseas Filipino worker sa nasabing hakbang.

Sa anunsiyo ng South Korean Embassy, nagkaroon na sila ng dagdag na staff.

Ang kasalukuyang visa processing period ay tumatagal ng 25 hanggang 27 araw na pinaikli ng 10 hanggang 15 araw simula sa katapusan ng Pebrero.

“The Embassy has allotted additional visa staffs for faster processing of Korean visa applications,” ayon pa sa anunsiyo ng embahada.

“Therefore, by the end of February, current visa processing period of 25~27 days will be reduced to 10-15 days.”

Paiiralin din ang maikling proseso sa Marso hanggang Abril upang ma-accommodate ang mga nagnanais magtungo sa South Korea sa nasabing mga buwan. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM

Comments are closed.