UMAPELA si Senador Panfilo Lacson sa mga Filipino na suportahan si Defense Secretary sa paglaban nito sa pananatili ng mga barko ng China sa Julian Felipe Reef na sakop ng exclusive economic zone (EEZ) ng Filipinas.
Ayon kay Lacson, hindi lamang Julian Felipe Reef ang sinakop ng China kundi maging ang Mischief Reef 995 at Scarborough Shoal na inokupahan noong 2012.
May basehang legal din umano ang paghahabol ng bansa sa ilalim ng United Nations Convention on the Law of the Sea at umiiral na arbitral ruling na pawang pabor sa ating bansa.
Pinuna ng senador na kahit sa gitna ng pandemya ay hindi nasasalamin sa inaasahang pagtitiwala at goodwill sa pagitan ng Beijing at Maynila ang ipinatutupad na health cricis opportunism ng China.
Bukod dito, mahina rin umano ang bansa sa usaping militar na hindi kayang pantayan ang kapangyarihan ng China kaya bumaling tayo sa pagbubuo ng malalakas na alyansa hindi lamang sa ating kapitbahay sa Asia Pacific tulad ng Australia at Japan at iba pang bansa sa ASEAN, kundi maging sa matagal nang kaibigan ang Estados Unidos at Europa.
Dahil dito kaya dapat umanong suportahan ng mga Filipino si Lorenzana dahil sa matinding pagtututol at pagdepensa sa soberenya at karapatan ng Filipinas sa Whitsun Reef o Julian Felipe Reef.
Tinuligsa ng mga senador ang patuloy na pananatili ng mga barko ng China sa Julian Felipe Reef at iginiit na dapat manindigan ang bansa laban sa patuloy na pananakop ng nasabing bansa.
Kasabay nito pinuri naman ni Senate minority leader Franklin Drilon si Secretary Lorenzana at nagpahayag ng buong suporta dahil sa paninindigan niya sa isyu sa West Philippine Sea (WPS).
Idinagdag pa ni Drillon na maituturing na maritime bullying ang ginagawa ng China kaya dapat manindigan ang Filipinas laban sa presensya ng maritime vessels ng China sa WPS o sa mga lugar na nasa exclusive economic zone (EEZ).
Dapat din naisulong ng bansa ang “strongly and actively call” para sa pagpapatupad ng Permanent Court of Arbitration ruling, na kumikilala sa sovereign rights ng Filipinas sa mga lugar na nasa EEZ at imbalido and claim ng China sa South China Sea.
Para naman kay Sen. Risa Hontiveros, sinasamantala ng China ang sitwasyon lalo na ngayon na abala ang bansa sa paglaban sa pandemya.
Giit pa ni Hontiveros na dapat lisanin agad ng mga barko ng China ang teritoryo ng Filipinas at huwag manggulo dahil mayroon pa pande-mya pa na nilalabanan ang bansa.
Sinabi naman ni Sen. Francis Pangilinan na dapat tapusin na ng China ang kaduda-dudang pag- aangkin nito sa EEZ at sovereign waters ng Filipinas.
“China should get their militia out of Julian Felipe,” ayon pa kay Pangilinan.
Matatandaan na iniulat ng National Task Force for the West Philippine Sea (NTF-WPS) ang presensya ng 220 Chinese vessels sa Julian Fe-lipe Reef noong Marso 7. LIZA SORIANO
943928 171461I like this internet site so much, saved to favorites . 667163
751289 463474It is practically impossible to uncover knowledgeable men and women during this topic, nevertheless you sound like do you know what you are discussing! Thanks 722337
77548 689022I as nicely believe thence , perfectly pent post! . 393969