PAGLABAN SA CLIMATE CHANGE, FOOD SECURITY SUPORTADO NG DND

TARLAC-SUPORTADO ng Department of National Defense (DND) ang anumang programa ng gobyerno sa pagbaka laban sa lumalalang epekto ng climate change at pagsusulong ng food security sa kanayunan man o sa kalunsuran.

Ito ay makaraang bumisita si Defense Secretary Gilberto Gibo Teodoro Jr. sa Philippine Army Armor Division (AD) sa Capas, Tarlac na kung saan ipinakita nito ang suporta sa mga pagsisikap sa nasabing adhikain sa paglaban sa epekto ng pagbabago ng klima at pagtiyak ng sapat na pagkain.

Bukas-palad na nagbahagi n i Teodoro ang kanyang mahahalagang insight at kadalubhasaan, na nag-aambag sa patuloy na pagsisikap na tugunan ang climate change at itaguyod ang food security sa hanay ng Hukbong Katihan na may malawak na lupain. VERLIN RUIZ