PAGLABAN SA DENGUE MAS PINAIGTING

BULACAN- DAHIL sa patuloy na pagtaas ng mga tinatamaan ng sakit na Dengue, nagsagawa ng pagbobomba ang mga kawani ng Brgy. Ulingao sa bayan ng San Rafael sa mga lugar na maaring pamugaran ng mga lamok sa lalawigang ito.

Gamit sa pambobomba ang Deltamax 2.5 Powder na isang synthetic pyrethroid insecticide na mabisang panlaban sa lamok na may dengue.

Ayon kay Kap Eliseo Manuel katuwang ng Sangguniang Barangay ng Ulingao ang grupo ng Citizen Anti-Crime and Assistance Group Inc.(CAAG Inc) na kinatawan ni Boardmember Bernie Cabande at BM Konsi Ian Hipolito na layong matulungan na maiwasan ang pagkalat ng sakit na dengue na kung hindi maagapan ay maari itong maging sanhi ng kamatayan.

Nilinaw ng Public Health na walang pinipiling edad ang mga tinatamaan ng sakit na dengue kaya kailangan ng ibayong pag- iingat lalo pa at hindi pa rin nawawala ang COVID-19 virus.

Kailangan pa rin sundin ang health protocols gaya ng paghuhugas ng kamay, pagsusuot ng facemask at pag-iral ng social distancing. THONY ARCENAL