PAGLABAN SA INFLATION PRAYORIDAD NI DUTERTE

PANGULONG DUTERTE

PRAYORIDAD ng administrasyong Duterte ang paglaban sa inflation.

“Right now, the foremost priority of the administration is fighting inflation. So everything is sidelined now,” sabi ni Presidential Spokesman Harry Roque.

Subalit nilinaw ni Roque na hindi naman na­ngangahulugan na aabandonahin na ang pagsusulong ng Charter change para palitan ang sistema ng gobyerno mula presidential unitary patungong federal form.

Ayon kay Roque, batid ng pamahalaan na mas importanteng harapin ang problemang malapit sa sikmura ng taumbayan bagamat hindi naman isinasantabi ang pederalismo.

Ayon kay Roque, hindi naman inaasahan ng pamahalaan na ang biglaang pagtaas ng presyo ng krudo at produktong petrolyo ay lalo pang magpapa-taas sa inflation.

“So I would say that even the administration acknowledges that it is more important to face the problem, which is close to the stomach of the people, although we are not abandoning federalism,” giit ni Roque.

Sinabi pa ng kalihim na kailangan pang magkaroon ng malalimang diskusyon at pagpapalaganap ng impormasyon tungkol sa pe­deralismo.

Sa ngayon ay abala ang Kongreso sa pagtalakay sa proposed P3.757 trilyon budget para sa taong 2019.

“So everything will have to take second fiddle to the national budget for now,” sabi pa ni Roque.

Sa pinakahuling Pulse Asia ay lumilitaw na ang nangungunang national concern ng bawat mamamayan na dapat bigyang tugon ng gobyerno ay ang inflation at lalo pang mapabuti ang sahod ng mga manggagawa at mapababa ang bilang ng mga Filipino na  nagugutom at ang pagkakaroon ng Charter change ay dapat isantabi.     EVELYN QUIROZ

Comments are closed.